Ang Pinakamabuting Pagkain para sa mga Maliit na Bata

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Contents

Mula sa unang 4 hanggang 6 na buwan ng pagkasilang:

Graphics 405B.jpg

Paalala: Para sa unang apat na buwan, walang dapat ibigay sa bata kundi gatas ng ina.


Ang gatas ng ina ang pinakamabuti at pinakapurong pagkain para sa sanggol. Mas mahusay ito kaysa alinmang pagkaing pambata o pormulang nabibili. Kung pasususuhin ng gatas ng ina ang sanggol mula sa 4 hanggang 6 na buwan―makatutulong ito para mapangalagaan siya laban sa pagtatae at maraming impeksiyon.



Kung walang lumalabas na gatas sa suso ng ina:

  • Kailangang uminom ang ian ng maraming tubig o ibang likido. Mas marami siyang iniinom na likido, mas maraming gatas na makukuha sa kanya.
  • Kailangang kumain nang sapat ang ina. Ang mga pagkaing may protina at bitamina―beans, berde at madahong gulay, karne, gatas, keso at itlog―ay makatutulong sa kanya na makpagdulot ng sariling gatas para sa kanyang sanggol.


Kung walang lumalabas na gatas sa suso ng ina:

  • Painumin siya ng maraming likido at pakaining mabuti. Hayaang laging sumususo sa ina ang sanggol. Kung minsan, nagsisimulang labasan ng gatas ang kanyang suso.
  • Kung hindi ito mabisa, bigyan ng ibang uri ng gatas ang sanggol―tulad ng gatas ng baka, gatas ng kambing, o de-latang gatas o pulbos na gatas. Ngunit huwag gumamit ng kondensang gatas. Maaaring ihalo ang kaunting asukal sa kahit anong uring gatas na ibibigay sa sanggol.
Paunawa: Ano mang uri ng gatas ang gamitin, kailangan itong haluan ng pinakuluang tubig. Narito ang dalawang halimbawa ng tamang pormula:
Graphics 405C.jpg


Kung non-fat na gatas (walang taba) ang ginagamit, dagdagan ang pormula ng isang kutsaritang mantika o langis mula sa gulay.

  • Laging pakuluan ang gatas at tubig. Sa pagpapasuso sa sanggol, mas ligtas gumamit ng tasa at kutsarita kaysa gumamit ng botelya. Ang paggamit ng bote at tsupon sa sanggol ay mahirap panatilihing malinis at nagiging sanhi ng maraming impeksiyon, kabilang ang pagtatae at disenterya. Kung gagamit ng bote, ito at ang tsupon ay dapat na parehong pakuluan tuwing pasususuhin ang sanggol.
  • Kung kulang ang perang pambili ng gatas para sa bata, maaaring maglugaw ng bigas, nilutong mais, o iba pang cereal. Laging lagyan ito ng binalatang beans, itlog, karne, manok, at iba pang protina. Kailangan itong duruging mabuti at ipakain nang lusaw.


Babala: Ang basta nilutong mais o bigas lamang ay hindi gaanong masustansiya para sa sanggol. Ang bata ay hindi lalaki nang maayos o makalalakad o makapagsasalita sa angkop na panahon, madali siyang magkakasakit at maaaring mamatay. Ang sanggol ay dapat magkaroon ng ilang sangkap na sagana sa protina.


Mula 4 na buwan hanggang 1 taong gulang:

  • Ipagpatuloy ang pagpapasuso ng gatas ng ina sa bata. Kung maaari'y hanggang sa sumapit siya ng 2 taong gulang.
  • Kapag ang sanggol ay nasa pagitan ng 4 hanggang 6 na buwan, simulan na rin siyang bigyan ng ibang pagkain. Ang mga pagkaing ito ay kailangang nilutong mabuti at dinurog. Ang mura at masustansiyang pagkain ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paghalo-halo ng di-kukulangin sa isang uring pagkain mula sa bawat grupo ng pagkain.

Protina mula sa hayop

  • pinakuluan o pulbos na gatas
  • itlog
  • karne
  • manok
  • keso
  • isda

Protina mula sa gulay

  • beans
  • sitaw o gisantes
  • mani
  • balatong
  • pili
  • berde at madahong gulay

Carbohydrates

  • nilutong mais
  • bigas
  • trigo
  • lutong patatas
  • noodles
  • kalabasa

Taba

  • ano mang mantikang panluto sa inyong lugar


Narito ang ilang halimbawa ng mga balanseng pagkaing gumagamit ng sangkap mula sa bawat grupo:

Pagkain 1

4 na kutsarang nilutong mais
1 kutsarang nilutong beans
1 kutsarang gatas na pulbos
1/2 kutsarang mantika

Pagkain 2

4 na kutsarang kanin
2 kutsarang lutung-lutong sitaw
1 nilagang itlog
1/2 kutsarang mantika


Ang mga sanggol na lagpas sa 4 hanggang 6 na buwan ay kailangan ding bigyan ng prutas at katas nito na sagana sa bitamina, tulad ng dalandan, kamatis, papaya, melon, tsiko, hinog na saging at lutong mangga. Ang mga berde at madahong gulay ay nagdudulot din ng mahalagang bitamina. Ang mga ito ay dapat na lutuing mabuti at durugin.

Ang mga batang wala pang isang taong gulang ay kailangang kumain nang di-kukulangin sa limang beses isang araw at kailangang "magmeryenda" sa pagitan ng pagkain.

Paalala: Ang karamihang nagiging biktima ng malnutrisyon ay mga batang mula sa 6 na buwan hanggang 1 taong gulang. Kung sila'y maputlang-maputla at payat, at may malaking tiyan, minamanas ang paa at mukha, may malalaking singaw sa balat, kumakain ng tae o dumi, o huminto na sa paglaki at di-normal ang pagtaas ng timbang, kailangan nilang kumain ng mas masustansiyang pagkain!
Graphics 405D.jpg


Isang taong gulang o higit pa:

Pag ang bata ay mahigit nang isang taon, maaari na siyang bigyan ng mga pagkaing katulad ng sa matatanda, ngunit dapat pa rin nilang ipagpatuloy ang pag-inom ng gatas, kailanma't kailangan.

Sikaping bigyan ang bata ng pagkaing sagana sa protina, bitamina, iron, at mineral araw-araw, para siya'y lumaking malusog at malakas.

Ang mga bata at ang kendi: Huwag pawilihin ang mga bata sa pagkain ng kendi at matatamis na pagkain o pag-inom ng sopdrink. Kapag maraming-marami sialng nakakaing matatamis, ayaw na nilang kumain ng ibang mas mabuti para sa kanila. Isa pa, masama sa kanilang ngipin ang matatamis na pagkain tulad ng kendi.

Gayunman, kapag limitado ang suplay na pagkain, ang kaunting asukal at mantika mula sa gulay ay maaaring maging dahilan para ganap na matamo ng mga bata ang protina sa pagkaing kanilang kinakain.


Ang pinakamabuting pagkain para sa mga bata

Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-HFa2VqKc': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_79ff80d2577c-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Graphics 410B.jpg


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 23 Abril 2010).

Kategorya:Kalusugan