Appendix

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
252px-Stomach colon rectum diagram.png

Ang appendix ay isang makitid na tubong sarado na may ilang pulgada ang haba at nakakabit sa caecum (ang unang bahagi ng colon). Kilala din ito sa kanyang anatomical name na vermiform appendix na kaugnay sa pagiging parang bulate nito.

Ang inner lining ng appendix ay gumagawa ng uhog na umaagos sa bukas na sentro ng appendix at ng caecum. Ang pader naman nito ay naglalaman ng lymphatic tissue na bahagi ng immune system upang lumikha ng antibodies. Tulad ng kabuuan ng colon, ang pader ng appendix ay naglalaman din ng isang patong ng kalamnan, ngunit ang pagbuo nito ay hindi ganoon kahusay.

Contents

Mga karamdaman

  1. Carcinoid tumors – Ang pag-ipon ng kemikal na sanhi ng periodic flushing, wheezing, at pagtatae.
  2. Epithelial tumors – Ang mga tumor ay tumutubo sa loob ng appendix; maaaring maging benign o cancerous.
  3. Appendicitis – Pamamaga ng appendix na nararanasan kapag ito ay nagkaroon ng bara. Ang pagbara ay maaaring dahil sa makapal na uhog sa loob ng appendix o hindi kaya’y dahil sa dumi ng tao na pumapasok sa appendix galing sa caecum. Ang uhog o matigas na dumi ng tao ay nagiging mala-bato at humahadlang sa unang bahagi nito. Ang bato ay tinatawag na fecalith (literal na isang malaking bato ng dumi ng tao).
    • Acute appendicitis – Mabilis na paglaki ng pamamaga ng isang maliit na bahagi ng appendix.
    • Chronic appendicitis – Paulit-ulit ang pamamaga ng appendix.

Sintomas ng appendicitis

Ang pangunahing sintomas ng appendicitis ay sakit sa tiyan. Ito ay maaaring tumagal ng apat hanggang 48 na oras. Maliban dito, may iba pang mga sintomas ang appendicitis kabilang ang:

Mga pagsusuri

  • Didiinan ng doktor ang ilang bahagi ng tiyan upang malaman kung saan nararamdaman ang kirot.
  • CT scan – Maaaring ipakita ng CT scan ang namamagang appendix at maipapakita rin nito kung may napinsalang bahagi.
  • Ultrasound – Gumagamit ng sound waves upang tuklasin ang palantadaan ng appendicitis, tulad halimbawa ng pamamaga ng appendix.
  • Complete blood count (CBC)' – Ang pagtaas ng bilang ng white blood cells ay isang palantandaan ng impeksiyon at pamamaga.
  • Magnetic resonance imaging (MRI)
  • Positron emission tomography (PET)

Lunas at pamamaraan

  • Antibiotics – Habang ang pagsusuri ay hindi tiyak, maaaring gamutin ng antibiotic ang impeksiyon na maaaring sanhi ng mga sintomas na nararamdaman. Gayunpaman, sa pangkalahatan, ang antibiotics ay hindi epektibong pang-lunas ng appendicitis.
  • Homeopathy – Pinapahupa nito ang sintomas ng appendicitis. Ang byronia at belladonna ay mga tipikal na homeopathic remedies na madalas ginagamit sa pagbawas ng pamamaga ng appendix.
  • Appendectomy – Ang pagtitistis ay tanging paraan upang tuluyang magamot ang appendicitis. Maaari gamitin ng mga doktor ang tradisyonal na pamamaraan (isang malaking hiwa) o ang laparoscopy (maliliit na hiwa; gamit ang isang camera upang makita ang loob nito). Ang pagtitistis ay kinakailangan din upang tanggalin ang tumor ng appendix. Kung ang bukol ay malaki, ito ay maaaring mangailangan ng mas agresibong pagtitistis sa pag-alis ng bahagi ng colon.

Sanggunian