Atay

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Pinamakalaking glandula sa katawan ang atay o liver at ito ay may malaking epekto sa lahat ng sistema ng katawan katulad ng pagtunaw ng pagkain at pag-alis ng dumi at sirang cells mula sa katawan, kasama na ang mula sa iba’t-ibang internal organs.

Contents

Anyo

Ang atay ay may bigat na tatlong libra (3 lbs.) o 1.3 hanggang 1.6 kilo. Ang kabuuang laki nito ay walong pulgada (20 cm) pahalang at 6.5 pulgada (17 cm) pababa. May kapal ito na apat at kalahating pulgada (12cm) at kulay reddish brown. Ito ay nahahati sa apat na lobes na magkakaiba ang laki at hugis.

Ang atay na nasa kanang bahagi ng tiyan ay matatagpuan sa ilalim ng diaphragm. Ang dugo ay dumadaloy sa atay sa pamamagitan ng dalawang malalaking ugat, ang hepatic artery at portal vein. Sa hepatic artery dumadaloy ang dugong mayaman sa oxygen mula sa aorta. Ang dugo naman na may lamang nutrisyon mula sa pagkaing dinurog sa maliit na bituka ay dumadaloy sa portal vein.

Pangunahing tungkulin ng atay

  • Vascular function kasama ang pagbuo ng lymph at hepatic phagocytic system ng katawan.
  • Metabolic system para sa pagkontrol ng pagbuo at paggamit ng carbohydrates, lipids at protina. Ang carbohydrates ay iniimbak upang magamit bilang asukal sa dugo na ginagamit naman ng red blood cells at utak. Samantala, ang paggawa ng protina na may albumin ay importante upang mapanatili ang tamang dami at pagbuo (clotting) ng dugo.
  • Pagproseso sa taba na mula sa pagkain. Ang fatty acids ay ginagamit para sa enerhiya ng katawan.
  • Pag-alis sa apdo sa pamamagitan ng pag-ipon ng apdo na may bile acids na nakatutulong sa pagtunaw at pagkuha ng taba sa mga bitaminang fat-soluble tulad ng Bitamina A, D, E, at K.
  • Pag-alis ng lason mula sa droga, alak, mga gamot na ininom, at dumi mula sa kapaligiran.

Karamdaman ng atay

  • Hepatitis – Isang impeksyong dulot ng virus.
  • Wilson’s disease - Isang pambihirang sakit na namamana kung saan ang tanso o copper ay naiiwan sa atay na siya naming lumalabas sa dugo.
  • Cirrhosis - Pamamaga ng atay na kinahahantungan ng organ failure
  • Hemachromatosis - Ang iron ay nanatili sa atay, sa puso, at sa lapay (pancreas).

Malaki rin ang papel ng pag-inom ng alak sa metabolismo ng atay. Gayunpaman, ang epekto ng pinsalang nagagawa ng pag-inom ng alak ay nararamdaman na lamang sa pagdaan ng panahon kung kalian ang atay ay naapektuhan na.

Mga gamot na nakaka-apekto sa atay

Mayroong mga gamot ng nakaka-apekto sa atay. Maaari itong mabasa sa mga papel na kasama ng mga gamot na nabibili. Mahalagang malaman kung ano ang mga gamot na ito at ang kanilang maaaring idulot sa atay. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Ang mga indikasyon na may liver damage mula sa mga gamot na iniinom ay ang mga sumusunod:

  • Malaise
  • Pagsusuka
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Sakit na nararamdaman sa itaas at kanang bahagi ng tiyan
  • Pangangati
  • Maitim na kulay ng ihi
  • Paninilaw ng balat at mata

Mabuting magpakonsulta sa doctor upang malaman kung mayroong pagkasira ang atay mula sa mga gamot na iniinom. Ang pagsusuri sa dugo ay ginagawa upang malaman kung may nagawa nang pinsala ang gamot sa atay.


Pangangalaga sa atay

Mapananatiling malusog ang atay kung ang tamang pag-aalaga ay gagawin:

  • Iwasan ang matagalan at maraming pag-inom ng alak. Ang atay ay nagsisilbing taga-sala ng ng katawan at maaaraing masira kapag maraming nang alak ang iniinom. Bagamat ang atay ay maaaring tanggalan ng parte na tutubong muli, hindi na ito possible kapag ang atay ay nagkaroon na ng permanenteng pagkasira.
  • Iwasan ang pag-inom ng gamot gamit ang alak. Mayroong mga over-the-counter medication o gamot na nabibili nang walang reseta na hindi dapat iniinom kapag nakainom na ng alak. Kasama na sa mga gamot na ito ang mga gamot na herbal.
  • Iwasan ang environmental pollution o mga lason mula sa kapaligiran katulad ng mga ginagamit na pambuga sa mga insekto. Ang mga kemikal na ibinubuga ng mga spray na ito ay nalalanghap at pumapasok sa maliliit na ugat sa baga at nadadala sa atay kung saan nililinis at inilalabas sa apdo. Kapag nagkaroon ng kalabisan sa pagkakasinghot sa mga kemikal na ito, magkakaroon ng pagkasira sa atay. Mahalagang may suot na mascara at takpan ang balat kung gagamit ng mga insecticide. Kailangan ding maglinis ng katawan gamit ang tubig at sabon kung nadapuan o ang balat ng nakakalasong kemikal.
  • Panatilihing maayos ang nutrisyong nakukuha sa pamamagitan ng pagkain ng balanse at malinis na pagkain. Ang malnutrisyon ay isang sanhi kung bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na sakit sa atay.
    • Iwasan ang pagkain ng sobrang karne na may mataas na protina kaysa sa kakailanganin ng atay.
    • Iwasan ang pagkain ng processed food gaya ng mga de-lata at cold cuts, pagkaing sobra sa asin at mga sawsawan tulad ng patis at ketchup.
    • Iwasan ang sobrang pag-inom ng vitamin supplements na mayaman sa bitamina A at D dahil ito ay nakalalason ng atay.
    • Iwasan ang mga suplementong mula sa senecio, crotalaria, heliotopium, chaparral, germander, confrey, mistletoe, skullcap, margosa oil, mate tea, yerba tea, pennyroyal, at Jin Blu Huan dahil ang mga sangkap na ito ay maaaring makasira sa atay lalo na kung gagamitin ng matagalan.

Sanggunian

  • Liver. Mama’s Health. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)
  • Liver. Medterms. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)