Banaba

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Banaba.jpg

Ang banaba ay isang punong namumulaklak na matatagpuan sa buong Pilipinas, India, Tsina at sa Timog-silangang Asya, hanggang sa tropikong Australia. Ang siyentipikong pangalan nito ay "Lagerstromia speciosa". Ito ay pinararami kadalasan para sa maraming benepisyo na dulot ng mga malalapad na dahon nito lalong-lalo na sa kakayahan nito na makontrol ang blood sugar sa mga taong may diabetes mellitus.

Benepisyo at mga pagsusuri

Sa Pilipinas, matagal na itong ginagamit ng mga albularyo at gayun din sa Ayurvedic medicine ng India para sa paggamot ng diabetes ng ilang siglo. Napag-alaman ng mga siyentipikong pag-aaral na ang dahon ng banaba ay siksik sa corosolic acid na tinatawag na organikong insulin na galing sa halaman at ito ang substansya na epektibong nakakapagpababa ng blood sugar sa mga may diabetes.

Natukoy ng mga siyentipiko na ang magulang na dahon at hinog na bunga ng banaba ang may pinakamataas na corosolic acid samantalang ang balat at ugat ay hindi ganoon karami. May mga lokal na siyentipiko at doktor na naniniwala na ang pinatuyong hinog na bunga ay mas mahusay kaysa sa paggamit ng mga dahon. Ang pinagpakuluan nito ay karaniwang paraan ng pag-inom nito.

May mga pag-aaral naman na gumamit ng pang-wisik ng katas na alkohol ng banaba sa hangin ng kwarto ng mga pasyente habang sila ay natutulog. Natukoy nila na, habang natutulog ang mga pasyente, ang kanilang mga baga ay nakakuha ng corosolic acid na nakatulong sa pagbaba ng asukal sa kanilang dugo. Marami pang sumunod na pag-aaral at lahat ng ito ay nagpapatunay na ang banaba ay malaking tulong sa mga diabetiko.

Iba pang nagagawa

  • Ang balat ng puno ng banaba ay nakakatulong sa sakit ng tiyan at pagtatae.
  • Ang ugat nito ay mahusay sa mga singaw sa bibig.
  • Ito ay mahusay din na nakakatulong sa pag-detox dahil isa itong diuretic. Ito ay nakakapagpa-ihi at maaaring maging mahusay para sa mga bato.
  • Ang buto ay may katangian ng narkotiko na ginagamit sa mga lintos sa bibig at gastrointestinal tract.

Sanggunian