Bayabas

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 516.jpg

Ang bayabas o Psidium guajava ay isang halamang-gamot sa Pilipinas. Ito rin ay tinatawag na bayawas (Bik.), biabas (Sul.), gaiyabat (If.), gaiyabit (If.) geyabas (Bon.), guayabas (Tag.), guava (Engl.), guyabas (Ilk., Tag.), kalimbahin (Tag.), Psidium cujavus Linn. Bagabas (Ig.), Psidium aromaticum Blanco Bayabas (Ilk., Tag.), Psidium pyriferum Linn. Bayabo (Ibn.), Psidium pomiferum Linn. Bayauas (Bik., Pang.) at Tayabas (Tag.).

Ang bayabas ay kadalasang nakikita sa loob ng bakod ng mga tahanan sa bansa. Habang ito ay pinakakilala para sa kanyang prutas, nagagamit din ang ibang bahagi ng halaman sa paggamot ng iba't ibang sakit.

Contents

Katangian

Ang bayabas ay maliit na puno. Ito ay maaaring tumubo hanggang sa taas ng tatlong metro. Ang balat ng kahoy ay kulay berde at kayumanggi. Ang bulaklak ng bayabas ay nakakain habang ito ay kulay berde. Ang prutas naman na nanggagaling sa bulaklak ay bilog at kulay dilaw at berde kapag hinog.

Komposisyon at gamit

Ang prutas ng bayabas ay mayaman sa bitamina C at bitamina A. Ang mga dahon at prutas ng bayabas ay may eugenol, tannin, saponin, amydalin, phenolic acid, malic acid, ash, aldehydes, catequinic na sangkap, at flavonoid.

Ang mga dahon ng bayabas ay kinikilalang epektibo sa paggamot ng ilang sakit tulad ng pamamaga ng katawan, pagtatae, gastroenteritis, lagnat, epilepsiya, bulate sa tiyan, sakit ng ngipin, pulikat, at pasma sa katawan. Ginagamit din ang dahon sa paggamot ng sakit sa bato.

Ang bayabas ay ginagamit bilang antiseptiko, pampatay sa bakterya, [[amoeba|amiba at halamang-singaw, pampatigil ng balinguyngoy o pagdudugo ng ilong, at panggamot sa mataas na presyon ng dugo, diabetes at hika.

Ang pinakakaraniwang gamit ng dahon ay sa paglinis at paghilom ng sugat. Ang paggamit ng dahon ay nakapagpipigil sa impeksyon.

Paghahanda

  1. Sa paggawa ng dekokson: Hugasan nang maigi ang mga dahon ng bayabas. Tadtarin ito sa maliliit na piraso. Pakuluan ang isang tasa ng dahon sa tatlong tasang tubig ng 8 hanggang 10 minuto. Pagkatapos ay alisin ang mga dahon sa tubig.
    • Uminom ng tsaa bawat apat na oras upang malunasang ang sakit sa tiyan, pagtatae, at gastroenteritis.
    • Gamitin ang tsaa bilang pang-mumog tatlong beses sa isang araw para sa paglinis ng bibig.
    • Gamitin ang dekokson sa paglinis ng sugat tatlong beses sa isang araw. Maaari rin maglagay ng sariwang dahon diretso sa sugat para masbumilis ang paggamot.
    • Gamitin ang dekokson sa paglinis ng ari ng babae pagkatapos ng panganganak.
  2. Para sa sakit sa ngipin at pamamaga ng gilagid: Nguyain ang dahon ng bayabas.
  3. Para sa balinguyngoy: Irolyo ang mga dahon ng bayabas at ilagay sa butas ng ilong.

Bayabas sa Pilipinas

Ang bayabas ay kinikilala ng Department of Health para sa kanyang katangiang antiseptiko.

Mga panlabas na kawing

Sanggunian