Binti

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Black legs.jpg

Ang binti ang nag-uugnay sa ibabang bahagi ng katawan ng tao. Ito ay ang [[balakang] hanggang sa bukung-bukong, kasama ang hita, tuhod, cnemis (ang binti mula sa tuhod pababa sa bukung-bukong), at ang paa. Ang calf ang kalamnan naman ng binti ay nasa bandang likod, samantalang ang parteng nasa harap ay tinatawag na shin o lulod.

Ang binti ay isang mahalang bahagi ng katawan na mayroong pinakamalaking grupo ng kalamnan at kadalasan ginagamit ito sa pagtayo, paglakad, pagtakbo, pag-upo, at iba pa.

Contents

Mga parte

Ang binti ay binubuo ng mga sumusunod:

  1. Hita (Thigh) – ang itaas na bahagi ng binti ay binubuo ng isang mahabang buto at tinatawag itong femur (thigh bone). Ito ay ang kumokonekta sa buto ng baywang upang i-hugis ang hip joint para pag-tagpuin ang knee joint at ang shin bone. Ang femur ay mayroong lukong na may kakayahang i-angat ang knee joint habang itinutuwid ang tuhod at tinatawag itong extension. Samantala, ang pag-galaw ng palusong habang binabaluktot ang tuhod ay tinatawag na flexion.
  2. Balakang (Hip) – Ang balakang ay isang ball-and-socket joint na pinahihintulutan ang ulo ng femur (ang bola) na iakma sa loob ng acetabulum (ang socket) ng pelvis. Dahil dito, ang hip joint ay nagiging matibay at binibigyang sigla ang katawan ng tao sa panahong kailangan ito nito, gaya halimbawa sa pagbubuhat. At sa katunayan, ang kalamnan ng balakang ay kayang bitbitin ang binti sa gawing itaas ng katawan, malayo sa katawan, sa gilid ng katawan, at sa gitnang harapan ng katawan.
  3. Tuhod (Knee) – Ang knee joint ay may kaugnayan sa femur, shin bone at patella na kilala rin bilang kneecap. Ang patella ay isang pantay at maliit na buto na hugis tatsulok na makikita sa harap ng tuhod at nangangalaga sa knee joint. Ito ay matatagpuan sa loob ng litid ng rectus femoris muscle' na kumokonekta naman sa femur patungong shin bone. Ang mas mababang bahagi naman ng patella ay mayroong taluktok na tumatanggap ng proteksyon mula sa cartilage. Responsibilidad ng patella na bigyan ng mahusay na proteksiyon ang kalamnan sa harap ng hita at harapang bahagi ng femur.
  4. Mababang Binti (Lower Leg) – Ang lower leg ay binubuo ng dalawang mahahabang buto.
    • Lulod (Tibia) - Mas malaki kaysa sa isang buto, at matatagpuan sa dakong gitna ng lower leg.
    • Fibula (calf bone) - Mas maliit na buto at matatagpuan sa labas ng lower leg.
  5. Bukung-bukong (Ankle) – Kadalasa’y inuuri ito bilang isang mortise joint. Samantala, ang ankle hinge naman ay may kakayahang mag-urong-sulong habang lumalakad ng matulin, at sa karagdaga’y nagbibigay tatag upang balansehin ang paggalaw sa hindi pantay na lugar.

Mga karaniwang karamdaman

  • Claudication – Ang intermittent claudication ay hango sa salitang Latin na claudicare o pamimilay. Ito ay dulot ng labis na kirot ng leg muscles dahil sa kakulangan sa supply ng dugo, at sinasabing isa sa mga pangunahing sintomas ng arteriosclerosis obliterans.
  • Short leg syndrome – Ito ay kaugnay sa isang parte ng binti na tila sa unang tingin ay mas mahaba kumpara sa isa. Ang hindi pagkakaparehong ito ay nagmumula sa femur, tibia, o sa parehong bahagi.
  • Chronic venous insufficiency (CVI) – Nangyayari ito kapag ang ugat sa binti ay hindi makapagpadala ng sapat na supply dugo patungong puso sanhi ng pinsala sa vein valves.
  • Deep vein thrombosis (DVT) – Umiiral sa sandaling magkaroon ng blood clot na kadalasang nabubuo sa loob ng isang thrombose na nasa ibabang parte ng ugat ng binti.
  • Pamamaga ng binti – Ang hindi pangkaraniwang pagkakaroon ng likido sa bukung-bukong, paa, at binti ay tinatawag na peripheral edema.
  • Varicose veins – Ito ay ang hindi pangkaraniwang pamamaga ng ugat na maaaring danasin sa ano mang edad o kasarian.
  • Restless legs syndrome – Ang hindi kaaya-ayang sakit na maaaring maramdam sa binti. Kadalasan ito ay lalo pang sumasakit kapag nakaupo o sa tuwing ipinapahinga ito. Ngunit maliban dito, ito rin ay isang sleep disorder.

Sanhi ng pananakit ng mga binti

Trauma

Ang trauma ay ang pinaka-payak na dahilan ng leg pain. Ang pagkabuwal, pagkahulog, pagkadapa, o ang lahat ng nabanggit ay posibleng magdulot ng pinsala sa buto, kalamnan, at kasukasuan. Ang hindi mabuting sakit sanhi ng pinsala sa likod ay maaaring pumukaw sa sciatic nerve at maging dahilan ng sciatica, isang sakit na kayang pabagsakin ang binti.

  • Fracture - Ang mga katagang bali, sira, at basag ay may pare-parehong kahulugan kapag buto ang pinag-uusapan. Ang kabuuan ng buto ay maaaring malagay sa panganib kung mangyari man ang alin sa mga ito.
  • Shin splints – Ito ay pinsala sa tibia o shin bone. Ang kalagayang ito ay kilala rin bilang tibial stress syndrome. Pag-takbo, pag-talon, at pag-sayaw ang mga karaniwang sanhi ng karamdamang ito.
  • Sprains at strains – Ang sprain ay nagyayari kapag ang kasukasuan ay napuwersa. Ang kalamnan at ang litid ay maaari din na magaya dito at ito ay maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkapilay.
  • Pagdudugo – Maaaring mapinsala ang binti dahil sa pagdurugo ng alinmang tissue o kasukasuan.

Non-traumatic leg pain

May ilang mga sanhi ng non-traumatic leg pain na hindi kayang matukoy ang pinagmulan. Kaya naman, ang mga propesyonal na nangangalaga ng kalusugan ay nagsagawa ng indibidwal na pagsusuri upang malaman ang tiyak na pinagmumulan ng sakit ng binti.

  • Peripheral artery disease (PAD) – Ito ang pagbawas sa arterial blood supply na maaaring maging sanhi ng pagkitid ng daluyan ng dugo (blood vessels) sa binti. Madalas ang sakit o kirot ay nagmumula sa pagkilos, gaya ng sa paglalakad. Dahil dito, ang kalamnan ay nangangailangan ng maraming oxygen. Kung ang arteries ay kumitid at hindi masuplayan ng kailangan nitong dugo, ang kalamnan ay magsisimula nang sumakit.
  • Dugo makulta (Blood clot) – Lubos na nahahadlangan ang isa sa mga arterya ng binti na maaaring maging sanhi ng malubhang sakit dahil sa ang suplay ng dugo ay ganap na naputol. Bukod sa sakit, nagiging maputla at malamig din ang binti.
  • Low back pain – Buhat sa sciatica na maaaring sumiklab sa pigi o puwitan pababa sa binti.
  • Neuropathy – Ang sakit ay maaring maganap sa peripheral nerve at maaaring magdulot ng pamamaga na walang kaugnayan sa spinal cord o utak ng gulugod.
  • Mga karamdamang hindi gumaling-galing tulad ng pagkalululong sa alak, kanser, at vitamin deficiencies na maaari ring magresulta sa pananakit ng mga ugat na madalas na nakakaapekto sa parehong binti.
  • Mga pamamaga ng balat na maaaring dahil sa impeksiyon sanhi ng streptococcus o staphylococcus bacteria.
  • Pananakit ng kasukasuan – Maaaring mangyari dahil sa isang pinsala sa katawan ngunit maaari rin namang dahil sa medikal na kondisyon na maaaring maging sanhi ng pamumula at pamamaga.
  • Pananakit ng kalamnan – Ang myalgia ay maaaring dahil sa mild trauma o di kaya ay nauugnay sa isang sakit o impeksiyon.
  • Pulikat – Maaring kaugnay ng isang karamdamang nararamdaman ng katawan. Ito rin ay maaaring dahil sa kakulangan ng pag-inat (stretching) o kawalan ng electrolytes sa dugo.
  • Pinsala sa kalamnan o hamstring
  • Sakit sa balat – Mga sugat na buhat sa trauma at ulcer na nagiging sanhi ng mahinang daloy ng dugo at ilan pang mga sakit sa balat.
  • Diabetes

Pananakit ng mga binti sa murang gulang=

Samantala, ang pananakit ng binti ng isang bata ay maaaring dulot ng:

Lunas

Paunang lunas sa tahanan

  • Upang makatulong na maiwasan ang pulikat. Iunat ng madalas ang binti, uminom ng maraming tubig, at kumain ng pagkaing mayaman sa potassium.
  • Upang paginhawahin ang malumanay na sakit at pamamaga. Kung maaari, panatilihing magkalayo ang binti. Maglagay ng yelo o frozen peas sa apektadong bahagi nang 15 hanggang 20 minuto, tatlong beses sa isang araw. Itaas ang binti sa panahong nakaupo o nakahiga. Para sa pinakamahusay na resulta, simulan ang hakbang na ito sa loob ng 48 oras. Karaniwang tatlo o hanggang apat na araw bago umimpis ang pamamaga. Maglagay ng moist heat upang tulungang ibalik ang kakayahan sa paggalaw.

Mga paalala

Pinapayuhang magpatingin agad sa doktor kung:

  • May naramdamang sakit bago o pagkatapos maglakad;
  • May pamamaga sa parehong binti;
  • Lumalala ang sakit o kirot;
  • Hindi bumubuti ang pakiramdam makalipas ang ilang araw ng paunang lunas;
  • Masasakit ang varicose veins;
  • May senyales ng impeksiyon gaya ng pamumula, mainit na pakiramdam, o lagnat mahigit sa 100 F (37.8 C);
  • May pamamaga, pamumutla, at hindi karaniwang panlalamig ng binti o di kaya'y pagkakaroon ng calf pain pagkatapos ng mahabang pagkakaupo;
  • Namamaga ang parehong binti at may problema sa paghinga;
  • May anumang yumayabong na sakit sa binti na walang maliwanag na basehan;
  • May pinsala sa binti, malalim na hiwa, o lantad na buto o litid; o,
  • May naririnig na tunog mula sa binti na animo’y ginigiling o pumuputok.

Mungkahi

Narito ang ilang pagsasanay upang pananatilihing masigla at malakas ang mga binti:

Stiff squat o ball squat

  • Kailangan tumayo sa bola gamit ang paa at bahagyang palawakin ito sa pagitan ng balikat.
  • Dahan-dahang itulak ng paurong ang balakang na para bang uupo sa silya. Hangga’t maaari, itulak palayo ang balakang habang yumuyuko pababa sa tuhod at patungo sa lapag.
  • Mag-squat hangga’t kaya at huwag hayaang bumilog ang likuran.
  • Siguraduhin na ang dibdib ay nakalitaw, ang ulo ay nakatingin pasulong at tiyakin na ang tiyan ay maigting.
  • At muli, ibalik ang sarili sa unang posisyon.

One leg stability ball curl exercise

  • Humiga gamit ang likod at ipatong ang paa sa stability ball. Iangat ang balakang ng dahan-dahan sa sahig gamit ang paa at paikliin ang tiyan.
  • Manatiling nakahiga bagaman ang isang paa ay malayo sa stability ball. Panatilihin pitis ang abs at balakang habang dahan-dahan nilalapit ang bola gamit ang isang binti. Tumigil sandali at unti-unting ibalik ang bola sa panimulang posisyon.
  • Panatilihing ang bridge sa katawan habang ang balakang ay nasa sahig.

Sumo squat

  • Tumayo ng may 6 na pulgada ang layo at mas malawak kaysa sa balikat. Ipihit ang daliri sa paa paimbabaw; panatilihing tuwid ang likod at ang balakang na may saklaw na 90 degrees.
  • Gawin ito ng ilang minuto sa bawat araw.

Sanggunian