Bitamina E

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Bitamina E (Kuha ni "LifeSupercharger" mula sa Flickr.com. Reserbado ang ilang karapatan.)

Ang Bitamina E ay isang bitaminang fat-soluble na naiimbak sa fatty tissue ng katawan. Nakatutulong ito upang maprotektahan ang selula laban sa mga free radicals. Malaki rin ang naitutulong ng bitaminang ito sa sistemang imyuno at metabolismo.

Contents

Likas na katangian

Bilang antioxidant, nakatutulong ang bitamina E sa pagprotekta ng selula mula sa masamang dulot ng free radicals na siyang sumisira sa selula at mahatid ng cardiovascular diseases at kanser. Napapatigil din nito ang paglalabas ng reactive oxygen species (ROS) sa tuwing sumasailalim sa oxidation ang taba sa katawan.

May kinalaman ang bitamina E sa prosesong imuno, pagpapanatili ng gene expression, at iba pang prosesong metabolikal. Nakatutulong din ito sa pagpapaluwag ng blood vessels at pagtambak ng platelet.

Maaring makatulong ang bitamina E upang maiwasan ang mga sumusunod:

Marami ring naitutulong ang bitamina E sa pangangalaga sa balat. Ilang mga produktong ipinapahid at iniinom ay may halong bitamina E na sinasabing nakababawas sa mga problema sa balat gaya ng pagkakaroon ng kulubot, sunburn, peklat at iba pa.


Pangangailangan at dosis

Narito ang dosis ng bitamina E batay sa Recommended Energy and Nutrient Intakes (RENI) para sa mga Pilipino:

  • Para sa mga bata:
    • 0-6 buwang gulang: 3mg
    • 6-12 buwang gulang: 4mg
    • 1-3 taong gulang: 5mg
    • 4-6 taong gulang: 6mg
    • 7-9 taong gulang: 7mg
  • Para sa matanda:
    • Lalaking may edad na 10-12: 10mg
    • Lalaking may edad na 13-15: 12mg
    • Lalaking may edad na 16-18: 13mg
    • Lalaking may edad na 19-65 pataas: 12mg
  • Babaeng may edad na 10-12: 11mg
  • Babaeng may edad na 13-65 pataas: 12mg
  • Buntis: 12mg
  • Nagpapasuso: 16mg

Siguruhing ang uri ng bitamina E ay alpha-tocopherol.

Mapagkukunan

Kadalasang nakukuha ang bitamina E sa mga sumusunod na pagkain:


  • mantikilya
  • mani
  • kamatis
  • mangga
  • abukado
  • kalabasa
  • papaya
  • broccoli
  • luntian at madahong gulay
  • ilang pinagtibay na mga pagkaing inirerekomenda ng Department of Health (DOH)


Mainam na kumonsulta sa duktor para malaman ang dami ng bitaminang kailangan ng pangangatawan.

Kakulangan

Malabsorption o hindi wastong pagsipsip ng sustansya mula sa pagkain ang isa sa mga sintomas ng kakulangan sa bitamina E. Ayon sa mga pag-aaral, may kinalaman ang mababang dami ng bitamina E sa mga problema sa digestive tract gaya ng sakit sa lapay, apdo, atay, at celiac.

Sinasabing may kinalaman din sa kakulangan sa bitamina E ang pananakit, panginginig at pamamanhid ng kamay at paa. Gayundin kung nagkakaroon ng ilang problema sa balat.


Pagkasobra

Walang pag-aaral na nagsasabing maaaring makasama ang sobrang bitamina E kung makukuha ito sa pagkain. Gayunman, maaaring makaranas ng pagtatae, sobrang pagod at panghihina ng mga kalamnan kung may 3000 IU na dami ng bitaminang ito sa tableta ang iinumin.


Sanggunian

  • Vitamin E. nlm.nih.gov. (Accessed 17 February 2012)
  • Vitamin E. whfoods.org. (Accessed 17 February 2012)
  • Vitamin E. healthyeatingclub.com. (Accessed 17 February 2012)


Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.