Braso

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Human arm bones diagram.png

Ang braso ay matatagpuan sa pagitan ng balikat at wrist joint. Ang bahagi ng braso sa pagitan ng balikat at siko ay ang upper arm habang ang bahagi naman ng braso sa pagitan ng siko at wrist joint ay ang forearm. Ang upper arm at forearm ay iniuugnay sa siko ng isang hinge joint.

Ang braso ay binubuo ng 30 buto -- ang humerus, ulna, radius, 8 carpal sa wrist joint, 5 metacarpal sa palad, at 14 phalanges sa mga daliri.

Mga bahagi

Ang braso ay nahahati sa tatlong bahagi:

  1. Humerus. Ito ang pinakamahabang buto ng upper arm na nagsisimula sa balikat hanggang sa siko. Ang humerus ay may tatlong bahagi: ang upper extremity, body o shaft at lower extremity. Ang upper extremity ay may pabilog na dulo na sumusuot sa scapula o shoulder joint. Ang body ay hugis silindro. Ang lower extremity ay mas malapad. Ang dulo nito ay nakakabit sa mga buto ng forearm, at ang pag-uugnay nito ay ang bumubuo ng siko.
  2. Radius. Ito ay ang masmaikling buto sa forearm. Ang radius ay ang buto na kahelera ng hinlalaki sa kamay. Ang upper extremity ng radius ay manipis at ang dulo nito ay nakakabit sa lower extremity ng humerus na bumubuo ng siko. Ang body ng radius ay may malapad na dulo na kumakabit sa dulo ng ulna at ng mga buto sa wrist.
  3. Ulna. Ito ay ang mas mahabang buto sa forearm. Ang ulna ay ang buto na kahilera ng hinliliit sa kamay. Ang upper extremity ulna ay nakakabit sa radius, at umuugnay din sa humerus upang bumuo ng siko. Ang lower extremity ng ulna ay pabilog at nakaugnay din sa mga buto ng wrist at sa dulo ng lower extremity ng radius.

Sanggunian