Crohn's disease

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang Crohn's disease o regional enteritis ay isang sakit na nagiging sanhi ng pamamaga at pagkairita ng anumang bahagi ng bituka o gastrointestinal (GI) tract. Ito ay isang anyo ng inflammatory bowel disease (IBD). Ito ay nararanasan ng:

  • Mga nasa pagitan ng edad 13 hanggang 30 bagamat maaaring mangyari sa lahat ng edad.
  • Mga taong naninigarilyo.
  • May kasaysayan ng pagkakaroon ng Crohn’s disease sa pamilya.

Contents

Sanhi

Ang eksaktong dahilan ng Crohn’s disease ay nananatiling hindi kilala. Gayunpaman, pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na ito ay namamana at may kinalaman sa sistemang imyuno. Bagama’t dating pinaghihinalaan, ang pag-diyeta at labis na stress ay maaaring magpalubha sa sakit.

Sintomas at palatandaan

Ang sintomas at palatandaan ng Crohn’s disease ay maaaring malumanay o maging malubha at maaaring umusad ng dahan-dahan o biglaan nang walang babala.

Kapag ang sakit ay aktibo, ang isang pasyente ay maaaring makaranas ng:

Kapag malubha na, mararanasan ang:

  • Lagnat
  • Pagkahapo
  • Naantalang paglaki o sexual development para sa mga bata.

Pagsusuri

Ang doktor ay maaaring magsagawa ng isang masusing eksaminasyong pisikal at magtakda ng isang serye ng mga pagsusuri, tulad ng:

Paggamot

Ang layunin ng paggamot ay kontrolin ang pamamaga, iwasto ang kakulangan sa nutrisyon, at alisin ang mga sintomas tulad ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pagdurugo ng puwit.

Mga gamot

Pamamaraan

Ang pagtitistis ay kinakailangan upang mabawasan ang sintomas ng Crohn's disease na hindi naiibsan ng gamot.

  • Proctocolectomy – Ginagawa upang alisin ang tumbong at bahagi o kabuuan ng colon.
  • Ileostomy – Ilalabas ang dulo ng sang ileum sa isang hiwa sa tiyan (stoma). Ito ay ginagawa kasabay ng proctocolectomy.
  • Intestinal resection surgery - Maaring tanggalin ang bahagi o kabuuan ng maliit na bituka (small bowel resection) o malaking bituka (large bowel resection).

Komplikasyon

Ang Crohn’s disease ay maaaring humantong sa isa o higit pang mga komplikasyon, tulad ng:

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.