Dermoid

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang dermoid ay isang natatanging cyst na nabubuo sa panahon ng kapanganakan. Ang pader ng mga selyula nito ay halos parehas sa panlabas na balat ng katawan at maaaring maglaman ng maramihang istraktura tulad ng buhok, likido, ngipin, hair follicles , glandula ng pawis, glandula ng balat na matatagpuan sa ibabaw o sa loob ng balat, at mga nerbiyo.

Ang pambihirang dermoid cyst ay dahan-dahang lumalaki at hindi malambot maliban na lamang kung ito’y masira. Ito ay karaniwang matatagpuan sa bungo (utak), mukha (nasal sinuses), obaryo, at sa mababang bahagi ng likod (utak ng gulugod).

Contents

Sanhi

Ang dermoid cyst ay sanhi ng nakulong na mga istraktura sa balat sa panahon ng paglaki ng sanggol sa sinapupunan ng ina.

Sintomas

Ang dermoid cyst ay maaaring walang sintomas. Ngunit, sa ilang mga kaso nito ay may nangyayaring mga sintomas na maaaring nag-iiba batay sa kasidhian, gaya ng:

  • Sakit sa tiyan, hita at sa mas mababang likod.
  • Pananakit ng puson na mas masahol pa sa kadalasang nararamdaman kapag nire-regla.
  • Pagkahilo ng mayroon o walang kasamang pagsusuka.
  • Pakiramdam na masakit habang nagtatalik.
  • Hindi sinasadyang pagdagdag ng timbang.
  • Hindi karaniwang pagdurugo ng puki.

Ang pinalaking dermoid cyst ay maaaring maging sanhi ng pananakit sa lugar ng pelvis. Ang presyon sa pantog ay maaaring magdulot ng hirap sa pag-ihi o dysuria at sa pagpapanatili ng ihi sa pantog.

Samantala, maaaring magpahiwatig ng isang malubhang kondisyon ang mga sumusunod na kondisyon:

  • Malubha at biglaang pananakit ng tiyan.
  • Hindi mapigilang pagsusuka.

Pagsusuri

Sa bihirang mga kaso, ang dermoid cyst ay umaabot sa isang istraktura na mas malalim pa kaysa sa balat. Upang malaman ang panganib ng kahina-hinalang cyst, ang doktor ay maaaring magsagawa o magrekomenda ng ilang mga imaging tests tulad ng:

Paggamot

Ang isang taong mayroong dermoid cyst ay dapat na humingi ng agarang medikal na payo o pangangalaga kapag ang dermoid cyst ay:

  • Pumutok o nasira at naging sanhi ng sakit o lagnat (depende sa kalubhaan o kahirapang ibinibigay nito);
  • Lumaki o nagbago ng kulay; at,
  • Nais na ipatanggal para sa kosmetikong kadahilanan.

Pamamaraan

Ang dermoid cyst ay maaaring alisin sa pamamagitan ng pagtitistis gaya ng:

Komplikasyon

  • Ovarian torsion – Sa ilang mga kaso, ang isang dermoid cyst ay maaaring lumaki hanggang ito ay maglagay ng presyon o patabingiin ang obaryo, kung saan nakokompromiso at bumubuo ng isang kagipitan sa suplay ng dugo nito.
  • Malignant teratoma – Isang uri ng kanser na binubuo ng cysts at naglalaman ng isa o higit pa sa tatlong antas ng mga selyula na matatagpuan sa bilig.

Paalala

  • Dapat malaman ng isang pasyente ang pagkakaiba sa pagitan ng cyst at iba pang mga tumutubo sa mukha.
  • Ang dermoid cyst ay hindi nakadikit sa labas ng balat.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.