Edema

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-rERZWcaP': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_32ff9a317f21-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.
Ang edema o pamamanas ay pamamagang dulot ng naiipong likido sa mga tisyu ng katawan. Karaniwang nakikita ito sa mga paa at binti ngunit maaaring mangyari din sa ibang parte ng katawan at mga internal organs. Kilala rin ito sa mga katagang dropsy, anasarca, at swelling.

Nangyayari ito kapag tumatagas ang likido mula sa mga capillary dahil sa pagkasira ng mga daluyan na nagdudulot ng pagtaas ng presyon o pagbaba ng protina sa dugo na serum albumin. Sa oras na matukoy ng katawan na tumatagas ang mga capillaries, nag-iipon naman ng sodium ang bato para mapunan ang nawawalang likido mula sa mga daluyan ng dugo. Mas napaparami nito ang likidong umiikot sa katawan na tumatagas pa lalo at nakakapagpamaga sa mga nakapaligid na tisyu.

Contents

Uri ng edema

Ayon sa itsura ng balat kapag ito’y pinipisil

  1. Pitting edema ang tawag kapag ang balat at kalamnan ng namamagang bahagi ay lumulubog kapag ito ay pinisil. Madalas na ganito ang uri ng edema na nararanasan.
  2. Non-pitting edema naman ang tawag kapag walang paglubog na namamasdan pagkatapos pisilin ang namamagang bahagi. Karaniwang naaapektuhan ng ganitong uri ng edema ang mga bisig at binti. Maaaring dulot ito ng ilang sakit sa lymphatic system.

Ayon sa lokasyon ng pamamanas

  1. Makikita sa labas ng katawan
    • Peripheral edema o pamamaga ng mga binti at paa.
    • Asymmetrical edema kung saan ang isang binti ay mas apektado kaysa kabila.
  2. Makikita sa loob ng katawan
    • Edema mula sa mga sakit sa puso, atay, at bato.
    • Pulmonary edema o pamamaga sa baga.
    • Ascites o pamamaga sa abdominal cavity.

Sanhi

Karaniwang edema

  • Allergic reaction
  • Kagat ng insekto
  • Pinsala
  • Impeksyon
  • Pagkakaipit ng bahagi ng katawan at pagpigil sa normal na daloy ng dugo
  • Sunburn
  • Mababang sukat ng albumin sa dugo
  • Pag-ipon ng likido sa mga cavity o interstitial spaces ng mga tisyu ng katawan
  • Varicose veins
  • Pag-inom ng alak

Mild edema

  • Di-malamang dahilan at karaniwang nangyayari sa mga babae
  • Sobrang pagtayo o paglalakad sa kainitan
  • Matagal na pag-upo o pananatili sa isang posisyon
  • Pagbubuntis
  • Sintomas ng parating na regla.
  • Pagkain ng maaalat o paggamit ng masyadong maraming asin o sodium.

Dulot ng medikasyon

Malawakang pamamanas dahil sa sakit

  • Pagkapaso
  • Malnutrisyon
  • Chronic venous insuffieciency (CVI).
  • Deep vein thrombophlebitis
  • Systemic na sakit sa puso, bato o atay tulad ng:
  • Pamamanas ng utak dahil sa:
    • Pinsala sa ulo
    • Mababang sodium sa dugo
    • Pamamalagi sa isang lugar na mataas ang altitude
    • Tumor
    • Pagkakaroon ng harang sa pagdaloy ng likido sa utak tulad ng hydrocephalus

Sintomas

Karaniwan nang mapapansin sa mga nakakaranas ng pamamanas ang pamamaga ng tisyu sa ilalim ng balat. Dahil dito, ang balat ay nauunat at nagiging makintab. Mapapansin din ang paglalim ng balat kapag pinipisil sa mga kaso ng pitting edema. Gayunpaman, maaaring makaranas ng iba pang mga sintomas ayon sa lokasyon ng pamamanas sa katawan.

Ascites

  • Lumalaking sukat ng tiyan
  • Namamagang mukha
  • Namamanas na paligid ng mata

Pulmonary edema

  • Kakapusan ng hininga
  • Pananakit ng dibdib

Cerebral edema

  • Sakit ng ulo
  • Pagkalito
  • Pagkawala ng malay o coma

Kailan magpapatingin sa doktor

  • Kung may mga sintomas ng pamamanas kasabay ang anumang karamdaman o kondisyong medikal.
  • Para sa pulmonary at cerebral edema. Ang mga uring ito ay nakamamatay at kailangan ng agarang pagsusuri at paggamot dahil iba ang lunas nito kumpara sa ibang uri ng edema.

Pagsusuri

Lunas

  • Antihistamine para sa allergy
  • Paggamot sa kondisyong nagdudulot sa pamamanas
  • Paglimita o pagpigil sa pagkaing may sodium o asin
  • Pag-inom ng diuretic o water pill
    • Loop diuretics
    • Thiazide type diuretics
    • Metolazone
    • Potassium-sparing diuretics
  • Pagsusuot ng compression stockings
  • Pagpapahinga ng nakataas ang mga paa o mga bisig ng mas mataas kaysa sa puso. (Huwag gagawin kung kapusin ng hininga at kumonsulta agad sa doktor.)
  • Pagtitistis para sa chronic edema
  • Chemotherapy o radiation
  • Para sa non-pitting edema:
    • Mahirap hanapan ng lunas.
    • Karaniwang hindi epektibo ang mga medikasyong diuretic.
    • Nakakatulong ang pagtaas ng paa at mga compressive devices.

Komplikasyon

  • Kahirapan sa paghinga lalo na kung namamaga ng lalamunan o dila dahil sa allergy
  • Karagdagang pamamaga na may kirot
  • Paghihirap sa paglalakad at pag-galaw
  • Pangangati ng balat dahil sa sobrang pag-unat nito
  • Impeksyon
  • Pagsusugat o ulceration
  • Pagkakaroon ng peklat sa pagitan ng mga tisyu
  • Mga fibrous deposits sa mga tisyu
  • Mababang sirkulasyon ng dugo
  • Pagbaba ng elasticity ng mga artery, vein, kasukasuan, at kalamnan
  • Thrombus o pamumuo ng dugo
  • Pre-eclampsia

Karagdagang pangangalaga

Makakatulong sa pagbibigay lunas sa pasyenteng may edema ang mga sumusunod:

  • Pagbabantay sa pag-inom at paglabas ng likido sa katawan
  • Tamang ehersisyo at pagkain ng maayos
  • Masahe
  • Pag-inomng mga potassium supplement
  • Pag-iwas sa masyadong malamig o mainit
  • Pag-iwas sa pag-inom ng alak.
  • Mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, kamatis, patatas, at orange juice.

Sanggunian

  • Edema. MedicineNet. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)
  • Edema. Medline Plus. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)
  • Swelling. Medline Plus. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)
  • Edema. Mayo Clinic Reprints. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)
  • Edema Overview. WebMD. (Hinango noong 20 Hunyo 2011.)