Epilepsy

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Spike-waves mula sa EEG.

Ang epilepsy ay isang karamdaman ng utak kung saan nangyayari ang paulit-ulit na seizure (pagkisay). Ang salitang epilepsy ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay attack o pag-atake.

Contents

Anyo

Ang epilepsy ay sanhi ng permanenteng pagbabago sa tisyu ng utak na nagdudulot sobrang pagka-matakutin o magugulatin nito na dahilan naman upang magpadala ito ng ‘di-pangkaraniwang mga hudyat, na nagreresulta sa paulit-ulit na seizure. Ito ay karaniwang nagsisimula sa pagitan ng edad lima hanggang 20, ngunit maaari din na mangyari ito sa kahit na anong edad, gayundin sa mga taong may kasaysayan ng sakit na ito sa pamilya.

Uri

Mga pangunahing uri

  • Idiopatic epilepsy – Mula sa salitang Griyego na idios, na nangangahulugan na self o sarili. Ang sanhi nito ay hindi kilala.
  • Symptomatic epilepsy – Nauugnay sa isang kilalang sakit sa utak.
  • Cryptogenic epilepsy – Karaniwang may kaugnayan sa mga pasyenteng hindi malinaw ang dahilan ng pagkakaroon ng epilepsy at nauugnay sa isang karamandamang cognitive o developmental.

Mga pinaka-karaniwang uri

  • Absence seizure – Kilala rin bilang petit mal. Ito ay nagsasangkot ng isang maikli at biglaang pagkalimot at karaniwang nangyayari sa mga bata.
  • Temporal lobe epilepsy (TLE) – Isang ‘di-pangkaraniwang pakiramdam, na maaaring pangunahan ng isang seizure sa temporal lobe.
  • Frontal lobe epilepsy – Nakikilala sa pamamagitan ng pabalik-balik na seizures na nagmumula sa frontal lobes.
  • Occipital lobe epilepsy – Ang seizures ay nagmumula sa occipital lobe ng utak.
  • Parietal lobe epilepsy – Nagdudulot ng pagyanig sa parietal lobe ng utak at may posibilidad na kumalat sa iba pang bahagi nito.

Sanhi

Ang epilepsy ay sanhi ng de-kuryenteng pag-udyok sa grupo ng mga neuron na matatagpuan sa utak. Ito ay maaaring dahil rin sa isang medikal na kondisyon o pinsala na nakakaapekto sa utak tulad ng:

  • Stroke – Nangyayari ito kapag ang pagdaloy ng dugo sa utak ay tumigil.
  • Transient ischemic attack (TIA) - Nangyayari ito kapag ang suplay ng dugo sa utak ay dagling magambala.
  • Dementia - Ang pagkawala ng tungkulin ng utak na nangyayari sa ilang mga karamdaman gaya ng Alzheimer’s disease.
  • Phenylketonuria (PKU) – Ang pagkakaroon ng diperensya sa metabolismo ng isang bagong panganak na sanggol.
  • Impeksiyon, tulad ng abcess sa utak, meningitis, encephalitis, at AIDS.
  • Nakababalisang pinsala sa utak.
  • Depekto sa utak sapul sa pagkabata.
  • Pinsala sa utak na nangyayari malapit o sa panahon ng kapanganakan.
  • Tumor sa utak.
  • Abnormal na daluyan ng dugo sa utak.
  • Iba pang mga karamdaman na nakakapinsala o sumisira sa tisyu ng utak.

Sintomas

Ang mga sintomas ng epilepsy ay nag-iiba-iba at depende sa apektadong bahagi ng utak. Gayunpaman, ang pasyente ay maaaring makaranas ng:

  • Staring spell o pagtingin sa kawalan
  • Panginginig
  • Pagkawala ng malay-tao
  • Pagkabalisa
  • Panghihina
  • Paulit-ulit na paggalaw
  • Biglaang pagliit ng kalamnan

Pagsusuri

Ang sumusunod na mga pagsusuri ay maaaring gawin ng doktor upang makita ang mas detalyadong itsura ng utak at ng buong sistemang nerbiyos.

  • Electroencephalogram (EEG) – Ginagawa ito upang suriin ang de-kuryenteng gawain ng utak. Maaari nitong ipakita ang bahagi ng utak kung saan nagsisimula ang pag-atake.
  • Blood chemistry - Ang kimikong komposisyon ng dugo. Ginagawa ito upang matukoy ang malawak na hanay ng mga kondisyon at tungkulin ng bawat organo.
  • Blood sugar o glucose test – Sinusukat nito ang halaga ng asukal sa dugo.
  • Complete blood count (CBC) – Ang nagbibigay impormasyon tungkol sa uri at bilang ng mga selula sa dugo, lalo na ang red blood cell, white blood cell at platelet.
  • Kidney function test – Ginagawa ito upang suriin kung gaano kahusay ang pagtatrabaho ng bawat bato.
  • Liver function test – Ginagawa ito upang suriin kung gaano kahusay ang pagtatrabaho ng atay.
  • Computerized tomography scan o CT scan – Isang natatanging pagsusuri na gumagawa ng pangkat-pangkat na mga imahe ng katawan gamit ang X-ray at kompyuter, na karaniwang ginagawa upang hanapin ang sanhi at lokasyon ng diperensya sa utak.
  • Magnetic resonance imaging (MRI) – Isang radiology technique na gumagamit ng magnestismo, radio waves, at computer upang lumikha ng mga imahe ng katawan.
  • Spinal tap – Isang pamamaraan na ginagawa kapag ang doktor ay kinailangan tumingin sa cerebrospinal fluid (na kilala rin bilang spinal fluid). Tinutukoy din ito bilang lumbar puncture (LP).
  • Vagus nerve stimulation (VNS) – Katulad ng pacemaker, isang maliit na aparato na itinatanim sa ilalim ng balat na malapit sa balagat, na tumutulong sa pagbawas ng bilang ng seizures.
  • Pagsusuri para sa mga nakakahawang sakit.

Lunas

Ang karaniwang paggamot ng epilepsy ay gumagamit ng anticonvulsant na mga gamot, na maaaring magpaliit sa bilang ng seizures sa hinaharap, kabilang ang:

Pamamaraan

Minsan ang mga pasyenteng hindi tumutugon ng mahusay sa gamot ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng pagtitistis sa utak gaya ng:

  • Anterior temporal lobectomy - Ito ay ginagawa sa mga matatandang pasyente, kung saan ang isang bahagi ng temporal lobe ng utak ay inaalis.
  • Hemispherectomy – Ito ay ginagawa sa mga batang may malubhang sakit na epilepsy, kung saan ang napinsalang bahagi ng utak ay inaalis.
  • Corpus callosotomy – Ito rin ay ginagawa sa mga batang may malubhang sakit na epilepsy, kung saan ang dalawang bahagi ng utak ay pinaghihiwalay sa isang kirurhikong pamamaraan.

Paalala

  • Ang taong may epilepsy ay dapat na magsuot ng medical alert jewelry upang mabigyan ng agarang paggamot kapag sumumpong ang seizure.
  • Ang taong may epilepsy ay hindi dapat na magmaneho.
  • Iwasan ang makina o mga gawain na maaaring maging sanhi ng matinding panganib.

Sanggunian