Galis-aso

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang galis-aso (kating matagal maalis) ay karaniwang-karaniwan sa mga bata. Nagiging sanhi ito ng labis na makating butlig na maaaring lumabas sa buong katawan, bagama't pinakakaraniwan itong lumalabas:

Error creating thumbnail: convert: no decode delegate for this image format `/tmp/magick-mXA1FVv7' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/tmp/transform_72a963855d01-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Ang galis-aso ay sanhi ng maliliit na hayop na tulad ng maliliit na pulgas o hanip na pumapasok sa ilalim ng balat. Kumakalat ito sa pamamagitan ng paghipo sa apektadong balat, o ng damit at ng higaan. Ang pagkakamot ay maaaring maging sanhi ng impeksiyon na nagbubunga ng singaw na may nana, at kung minsa'y namamagang kulani o lagnat.


Contents

Paggamot:

  • Kahit isang tao lamang ang may galis-aso, dapat gamutin ang lahat sa kanilang pamilya.
  • Mahalaga ang kalinisan sa pangangatawan. Maligo at magbihis araw-araw. Labhan ang lahat ng damit, kumot, punda, panapin sa higaan o kubrekama at patuyuin sa araw.
  • Gumawa ng ointment o pamahid na lindane (gamma benzene hexachloride) at Vaseline (petroleum jelly).

lindane, 1 parte
Vaseline (langis na pamahid sa katawan), 15 parte.
Linising mabuti ang buong katawan ng sabon at pinakuluang tubig.
Painitan ang Vaseline at lindane at haluing mabuti.
Ipahid ang ointment sa buong katawan--maliban sa mukha.
Palipasin ang isang araw bago maligong mabuti.
Pagkatapos gamutin, magbihis ng malinis na damit at gumamit ng malinis na kumot at kubre-kama.
Ulitin ang paggamot na ito makaraan ang 1 linggo.


Babala:

Ang lindane ay matapang na kemikal at maaaring makalason kapag ginamit nang sobra. Gamitin ito minsan lang isang linggo at tiyaking maligong mabuti isang araw matapos ang paggamot.

  • Sa halip na vaseline, maaari kayong maghalo ng 4 na patak ng lindane sa kalahating lemon o kalamansi. Palipasin muna ang 5 minuto bago ipahid ang kalamansi sa buong katawan maliban sa mukha. Simulan ang pagpapahid sa pinakaapektadong bahagi.


Paunawa:

Ang ipinagbibiling ointment o solusyon ng gamma benzene hexachloride o benzyl benzoate (Kwell, Gammexane) ay mahusay ding gamot sa galis-aso pero mas mahal ang mga ito. Kung hindi gumaling sa mga ito o sa lindane, gumamit ng pinaghalong sulfur at mantika o langis na pamahid sa katawan at ipahid ito sa balat. Gumamit ng 1 parteng sulfur at 10 parteng mantika.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 28 Abril 2010).

Kategorya:Kalusugan