Guyabano: Gamot sa kanser

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Kilala ang guyabano bilang prutas na mabisa sa pagsugpo sa iba't ibang karamdaman tulad ng karaniwang sipon. Ngunit kamakailan ay natuklasan ang kakayahan nitong magamot ang malubhang sakit na kanser.

Ang guyabano, na kilala rin sa tawag na sour sop, ay sinasabing mayroong kakayahang labanan ang mga selyulong nagdudulot ng kanser at mas mabisa ng 10,000 beses kaysa Chemo therapy.

Ayon sa mga pagsasaliksik, ang guyabano ay mayroong sangkap na epektibong nakakasugpo sa kanser at hindi nagdudulot ng pagbaba ng timbang, pagkalagas ng buhok o matinding pagkahilo.Tinutulungan din nitong palakasin ang resistensya.

Sinasabing kayang gumamot ng guyabano ng may labingdalawang uri ng kanser kasama ang sa kolon, dibdib, prostate, lung at pancreas.

Kasaysayan

Mula pa noong unang panahon, ginagamit na ang iba't ibang bahagi ng guyabano tulad ng tangkay, dahon, ugat, prutas at mga buto ng prutas sa paggamot ng iba't ibang klaseng karamdaman. Kabilang sa mga gumamit ng iba't ibang paraan sa paggamot ay ang mga katutubong Indian ng South Amerika bilang pagtugon sa mga sakit sa puso, hika, problema sa atay at rayuma.


Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License.