Hypospadias

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang hypospadias ay isang ‘di karaniwang depektong congenital sa mga kalalakihan kung saan ang lagusan ng urethra ay nasa ilalim ng titi at hindi sa dulo nito. Maaaring makita ito agad sa kapanganakan.

Contents

Sanhi

Ang hypospadias ay maaaring mamana ngunit sa ibang kaso, walang kilalang dahilan para sa paglitaw nito. Ang mga sumusunod ay mga kasalukuyang pinag-aaralang maaaring maging sanhi ng kundisyong ito:

  • Edad ng ina.
  • Mga salik na namamana.
  • Abnormalidad sa glandulang endocrine tulad ng:
  • Mga salik na dala ng kapaligiran tulad ng endocrine disruptors na dala ng:
    • Mga pestisidyo sa pagkain.
    • Endogenous plant estrogens at mga artipisyal na pataba sa mga halaman.
    • Gatas at karne mula sa mga bakang binibigyan ng mga gamot.
    • Karne mula sa mga hayop na pinataba gamit ang mga gamot.
    • Plastik mula sa mga lata.
    • Mga gamot na iniinom para sa sakit.
  • Kombinasyon ng genetic predisposition, pangmatagalang pagkakalantad sa environmental factors ng magulang at fetal exposure sa mga environmental disruptor.

Mga nasa panganib

  • Mga lalaking sanggol na pinapanganak ng kulang sa panahon.
  • Mga kulang sa timbang sa pagkakapanganak at hindi tugma ang sukat sa gestational age.
  • Mga naipagbuntis mula sa IVF.
  • Mga kambal.

Sintomas o indikasyon

Ang kalubhaan ng kondisyon ay iba-iba sa bawat kaso. Sa karamihan, ang bukana ng urethra ay malapit lamang sa dulo ng titi, sa bandang ilalim. Ang mas malulubhang uri nito ay kung ang lagusan ay nasa kalagitnaan o pinaka ugat ng titi. Minsan, mismong nasa bayag ang butas o nasa likod nito, sa bandang perineum.

Maaari ding mapansin ang:

  • Pababang pagkurba (ventral curvature o chordee) ng titi kapag matigas o nakatayo.
  • Abnormal na pagsaboy ng ihi.
  • Hindi maayos na pagtubo ng foreskin para mag-hitsurang hooded ang titi.

Pagsusuri

Karaniwang nakikita sa pisikal na eksaminasyon sa kapanganakan kung ang sanggol ay may hypospadias. Madalas, dahil sa hindi malubha ang kondisyon, maaaring mapansin lamang ang mga nabanggit na sintomas matapos maiuwi ang sanggol. Agad na magpasuri sa doktor at ipasailalim ang sanggol sa:

  • Pisikal na pagsusuri.
  • Mga imaging test para sa karagdagan at mas malalim na pagsusuri upang makita ang lawak ng kondisyon.

Sa mga magulang, aalamin ang mga sumusunod:

  • Kasaysayang pangkalusugan at kung may mga kamag-anak na may kundisyong ito.
  • Kung may kasaysayan ng pagkabaog ang pamilya.
  • Kung dumaan sa IVF.
  • Kung may gingawang kurso ng paggamot.

Paggamot

Pagtitistis lamang ang maaaring maging paggamot sa hypospadias. Ang mga sumusunod ay dapat tandaan:

  • Hindi dapat tuliin ang mga sanggol na mayroong hypospadias para magamit ang sobrang balat sa pagtitistis o surgical repair.
  • Tinutuwid ang titi sa pagtitistis at inaayos ang hypospadias gamit ang mga tissue graft mula sa foreskin.
  • Ang pagtitistis ay karaniwang ginagawa bago pumasok sa paaralan ang bata, ngunit karamihan sa mga urologist ay nagpapayo ng pagsasaayos bago mag-18 buwan ang bata.
  • Maaaring magpatistis mula edad na apat na buwan kung ipinayo ng doktor.
  • Bagamat karaniwang mabuti ang mga resulta ng pagtitistis, maaaring mangailangan pa din ng ilang ulit na pagtitistis kung magkaroon ng mga fistula o bumalik ang abnormal na pagkurba ng titi.

Komplikasyon

Kung hindi malapatan ng lunas ang hypospadias sa lalong madaling panahon, maaaring magkaroon ng:

  • Kahirapan sa maayos na pag-ihi.
  • Problema sa pakikipagtalik sa pagtanda.
  • Habang-buhay na pagkakaroon ng urethral stricture at mga fistula.
  • Paulit-ulit na pagtitistis dahil sa komplikasyon.

Matapos ang pagtitistis, kinakailangan ang maingat na pag-aalaga at obserbasyon upang maiwasan ang:

Pangangalaga

  • Obserbahan ang pag-ihi ng sanggol.
  • Panatilihing malinis at tuyo ang ari at siguraduhing walang dumi o ihi na mananatili sa paligid, lalo na pagkatistis.
  • Sundin ang ipapayo ng mga doktor.
  • Huwag isawalang-bahala ang maoobserbahang kakaibang kondisyon sa pagihi o sa istura ng ari ng bata.
  • Agad kumonsulta sa doktor kung may mapansing kakaiba sa ari ng bata.

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.