Kili-kili

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang kili-kili o axilla ay isang mala-trianggulong lugar sa itaas na bahagi sa gilid ng dibdib at ilalim ng itaas na bahagi ng bisig.

Contents

Anyo

Ang axilla ay tinuturing na buong bahagi mula ibaba ng leeg hanggang pinakamalapit na gilid ng scapula sa likod at pinakamalapit na gilid ng clavicle sa harapan. Ang kinikilalang kili-kili ay ang sipit sa halos gitna nito kung saan natutupi ang bisig papuntang katawan. Palaging may kainitan at mamasa-masa ang lugar na ito.

Istruktura

Nababalot ng balat na may maraming labasan ng pawis ang kili-kili. Ang mga nakapalibot na kalamnan sa loob nito ay ang mga kalamnan mula sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng:

Kung saan naguugnay ang likod at harap ng kili-kili, nakaugnay naman ang:

Ang mga butong nasa bahaging ito ay ang:

Nakapaloob sa kili-kili ang mga:

  • Axillary vessels
  • Mga nerbyong brachial plexus kasama ang mga sangay nito.
  • Ilang sanga ng mga nerbyong intercostal.
  • Maraming kulani.
  • Taba at tisyung areolar.

Papel sa katawan

  • Tupian ng bisig papuntang katawan mula sa balikat.
  • Daanan ng mga daluyan ng dugo at mga nerbyo.
  • Kinalalagyan ng mga kulani.
  • Isa sa mga lugar na pinagiipitan ng pangkuha ng temperature ng katawan.
  • Naglalabas ng dumi at init ng katawan sa pamamagitan ng maraming labasan ng pawis nito.

Mga karamdaman at kakaibang kondisyon ng kili-kili

Sanhi

  • Baradong labasan ng pawis.
  • Impeksyon mula sa fungus, bakterya o virus.
  • Impeksyon mula sa ibang sakit sa katawan.
  • Impeksyon ng mga hair follicles.
  • Pinsala sa leeg, bisig o ulo tulad ng:
  • Kakulangan ng bitamina o mineral, tulad ng kakulangan ng Bitamina B12 na sanhi ng pernicious anemia.
  • Stroke o atake sa puso
  • Multiple sclerosis
  • Alerhiya sa mga nilalagay sa kili-kili tulad ng deodorant.
  • Epekto ng ilang medikasyon tulad ng bakuna, at pagkabilad sa radiation.
  • Kanser at ilan pang karamdaman

Sintomas

Dahil sa ang mga kalamnan, nerbyo, daluyan ng dugo at kulaning papunta at mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nagdadaan sa kili-kili, karaniwang apektado ng mga sintomas ng ibang karamdaman ang mga ito.

  • Pagkakabugbog na hitsura.
  • Pagbabago sa hitsura ng balat.
  • Pagkirot at pananakit.
  • Pantal o pangangati.
  • Pangingilig o pakiramdam na mainit sa balat.
  • Pagkawala ng pakiramdam sa mga bisig.
  • Mga bukol sa kili-kili o kalapit na bahagi, kahit hindi masakit.
  • Namamagang kulani.

Iba pang sintomas na maaaring kasama ng mga makikita o mararamdaman sa kili-kili na maaaring indikasyon ng seryosong kundisyong medikal:

  • Pagkahapo at panghihina ng katawan at mga kalamnan.
  • Kombulsyon (seizure).
  • Biglaang pagbagsak ng timbang.
  • Pagbabago o pagkawala ng paningin o pananakit ng mga mata.
  • Lagnat na mas mataas pa sa 101 degrees Fahrenheit.
  • Nana sa balat o abscess sa ilalim na tisyu o kalamnan na may kumakalat na pamumula.

Komplikasyon

Paggamot

Ang lunas ay depende sa karamdamang nakaka-apekto sa kili-kili. Ang bukol sa kili-kili na sanhi ng impeksyong dulot ng virus ay karaniwang nawawala ng walang paggamot. Kung dahil sa alerhiya, mawawala ang bukol o sintomas kapag nawala ang sanhi nito. Karaniwan din walang kailangang paggamot sa bukol na sanhi ng cyst at normal na tisyu mula sa dibdib. Ang lipoma din ay karaniwang hindi nakakapinsala, maliban na lamang kung lumaki ng husto.

Pagsusuri

Pangangalaga sa kili-kili

Kailangan ng kili-kili na magpawis dahil isa itong labasan ng toxin at init sa katawan, kaya’t mahalagang alagaan ito na hindi nagkakabara at laging malinis.

  • Panatilihin ang kalinisan ng kili-kili.
  • Maaaring gumamit ng pantanggal ng buhok gamit ang wax o cream.
  • Iwasan ang pag-ahit.
  • Iwasan ang paggamit ng matatapang na deodorant na sobra ang bango o labis ang kemikal.
  • Magsuot ng magagaang tela na nakakahinga ang balat.
  • Mag-ehersisyo.
  • Kumain ng tamang pagkain na puno ng sustansiya at mayaman sa prutas at gulay para maiwasan ang mabahong kili-kili.
  • Panatilihin ang tamang timbang.
  • Parating uminom ng tubig.
  • Iwasan ang paninigarilyo at labis na paginom ng alak at kape.
  • Siguraduhin ang mga epekto ng medikasyon at mga ginagamit sa katawan para

maiwasan ang hindi kanais-nais na sintomas ng alerhiya at impeksyon.

Sanggunian