Lagnat

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Kapag napakainit ng temperatura ng katawan ng isang tao, sinasabi nating may lagnat siya. Ang lagnat mismo ay hindi isang sakit, kundi isang palatandaan ng maraming iba't ibang sakit. Gayunman, ang mataas na lagnat ay mapanganib, lalung-lalo na sa maliliit na bata.

Contents

Kapag may lagnat ang isang tao:

  • Hayaan siyang hubo't hubad. Ang maliliit na bata ay nararapat hubaran ng lahat ng kasuotan at hayaang nakahubo't hubad hanggang bumaba ang lagnat.
    Graphics 323B.jpg

Ang sariwang hangin o simoy ay hindi makasasama sa taong may lagnat. Sa halip, ang sariwang simoy ay nakatutulong sa pagpapababa ng lagnat.

  • Uminom din ng aspirina upang bumaba ang lagnat. Ang maliliit na bata ay maaaring bigyan ng acetaminophen (paracetamol) aspirinang pambata, o isang piraso ng karaniwang tabletang aspirinang 5 grain (300 mg.)
    Graphics 324.jpg


Paalala: Mapanganib balutin ang isang bata kapag nilalagnat.


  • Sino mang may lagnat ay dapat uminom ng maraming tubig, katas ng prutas o ibang likido. Para sa maliliit na bata, lalung-lalo na ang mga sanggol, ang tubig na iinumin ay dapat munang pakuluan (at palamigin).
  • Kung maaari, alamin at lunasan ang sanhi ng lagnat.


Mataas na Lagnat

Mapanganib ang mataas na lagnat kapag hindi agad napababa. Maaari itong maging sanhi ng kombulsiyon o ng palagiang pinsala sa utak (paralisis, kahinaang mag-isip, epilepsi, atbp.). Lalong mapanganib ang mataas na lagnat sa maliliit na bata.


Kapag malakas tumaas ang lagnat (mahigit sa 40º), dapat itong pababain agad:

  • Hubaran ang maysakit.
  • Paypayan siya
  • Basain ng malamig na tubig ang harap na bahagi ng katawan, o tapalan ng damit na basa ng malamig na tubig ang kanyang dibdib at noo. Paypayan ang damit at dalasan ang pagpapalit nito upang manatiling malamig. Ipagpatuloy ito hanggang bumaba ang lagnat (mababa sa 38º).
  • Bigyan siya ng maraming malamig na tubig na maiinom.
  • Bigyan ng gamot na makapagpapababa ng lagnat. Mabisa ang aspirina.


Dosis (paggamit ng 300 mg. Tabletang pangmatanda):
Mga taong mahigit sa 12 taon: 2 tabletas tuwing 4 na oras.

Mga batang mula 6 hanggang 12 taon: 1 tabletas tuwing 4 na oras.
Graphics 324B.jpg


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 20 Abril 2010).