Lalamunan

From Wikihealth
Revision as of 15:48, 23 May 2012 by Sugarfee (Talk | contribs)

(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

Ang lalamunan o throat ay isang tubo na nagdadala ng pagkain sa bituka at hangin sa windpipe o trachea.

Mga karaniwang karamdaman

Ang pamamaga ng lalamunan o sore throat ay ang kadalasang sintomas ng lahat ng posibleng karamdaman nito.

  1. Viral infection – Madalas na may kaakibat na lagnat.
  2. stomach flu o heartburn – Nagdudulot ng pagsusuka, pagduduwal, pakiramdam ng pagkasugo.
  3. Strep throat o mononucleosis – Kapag tinignan ang likod ng lalamunan, may mga puting patches.
  4. Bronchitis at pneumonia – Mas madalas na mga bata ang nagkakaroon ng ganitong karamdaman. Sinasamahan ito ng ubo na walang patid at lagnat.
  5. Croup o epiglottitis – Kadalasan rin na mga bata ang nagkakaroon nito. Ang pagubo ng malakas at masakit ay ang pangunahing sintomas nito.
  6. Trench mouth – Sanhi ng impeksiyon ng bagang, ngipin at iba pang tisyu.
  7. Oral thrush – May mga puting patches sa dila; gilid, likuran at bubong ng loob ng bibig.
  8. Tonsilitis o pamamaga ng adenoids – Ito ay ang impeksiyon sa tonsils. May kaakibat din itong paghinga sa bibig, medyo ngongo kapag nagsasalita, paghihilik o sleep apnea.
  9. Pharyngitis – Pamamaga ng pharynx.

Mahalagang pumunta sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas na ito upang malaman kung ano ang diagnosis at mga dapat gawin upang gumaling.

Sanggunian