Laryngitis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang laryngitis ay ang terminong medikal para sa pamamaga ng pharynx na tinatawag ding voice box. Ito ay nasa ibabaw ng lagusan ng hangin papunta sa mga baga at nagdudulot ng pamamaos o pamamalat. Kadalasan, ang mga sintomas nito ay nagtatagal lamang ng halos dalawang linggo at bihira lang ang mga kaso na mas matagal pa dito.

Contents

Mga sanhi at sintomas

Malimit na ang sanhi ng laryngitis ay virus at hindi bacteria. Ang mga sumusunod ang kadalasang sanhi ng laryngitis:

Madalas na kasabay din ng laryngitis ang impeksyon sa taas na bahagi ng sistemang respiratoryo.

Sa mga bata, mayroong ilang uri ng laryngitis na mapanganib at maaaring makamatay na tulad ng mga sumusunod:

  • Epiglottis – Labis na pananakit ng lalamunan, paglalaway, at hirap sa paghinga.
  • Croup

Ang mga taong mayroong laryngitis na lumampas na ng dalawang linggo ay dapat na pumunta sa kanilang mga doktor upang masuri ang kanilang lalamunan.

Ang mga sumusunod ay ang madalas na sintomas ng laryngitis:

  • Lagnat
  • Pamamalat o panghihina ng boses
  • Namamagang mga kulani o glandula sa lalamunan
  • Ubo
  • Nanunuyong lalamunan
  • Kahirapan sa paglunok
  • Kawalan ng boses
  • Kasikipan sa lalamunan
  • Reflux laryngitis

May mga malulubhang sintomas ay nangangahulugang maaaring may mas malubha o seryosong kundisyon pa bukod sa laryngitis tulad ng:

  • Kanser;
  • Pagkaparalisa ng vocal cords dahil sa pinsala, stroke, o tumor sa baga; at,
  • Pagyuko ng vocal cords dahil sa katandaan.

Uri ng laryngitis

Acute laryngitis

Ito ang kadalasang uri ng mga kaso ng laryngitis. Ang sanhi nito ay ang mga sumusunod:

  • Labis na pagsasalita o pagsigaw.
  • Impeksyong dulot ng virus na nagiging sanhi naman ng sipon, tigdas, o beke.
  • Impeksyong ulot ng bacte..ria tulad ng diptheria.

Chronic laryngitis

Ito ang uri ng laryngitis na pabalik-balik at dulot ng mga bagay na nakakairita sa sistema ng katawan. Ito ay nagdudulot ng pagkabanat at pagkapinsala sa vocal cords at pagtubo ng polyps o nodules dito. Ang mga sumusunod ay sanhi ng mga polymps at nodules na maaaaring tumubo sa vocal cords:

  • Mga nasinghot na irritants tulad ng singaw ng mga kemikal o usok
  • Acid reflux o gastroesophageal reflux disease
  • Pabalikbalik na sinusitis
  • Pangaabuso sa alkohol
  • Labis na pagsigaw, pagkanta, o paggamit ng boses
  • Paninigarilyo

Sanggunian