Lupus

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Lupus.jpg

Ang lupus ay isang karamdamang nangyayari kapag inatake ng sistemang imyuno ng katawan ang sarili nitong mga laman at mga organo. Ang pamamaga dulot ng lupus ay maaaring makaapekto sa iba’t ibang sistema ng katawan tulad ng kasukasuan, balat, bato, blood cells, puso at baga.

Mas karaniwan ang lupus sa mga babae sa hindi malinaw na kadahilanan.

Contents

Uri

Mayroong apat na uri ng lupus:

  1. Systemic lupus erythematosus (SLE)
  2. Discoid lupus erythematosus
  3. Drug-induced lupus erythematosus
  4. Neonatal lupus.

Sa apat na ito, ang SLE ang pinakakaraniwan at pinakaseryoso na uri ng lupus.

Noong una, negatibo ang hinaharap ng mga taong mayroong lupus. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago. Sa tamang gamutan, ang mga pasyenteng may lupus ay maaari magkaroon ng aktibong buhay.

Sintomas

Ang lupus ay mahirap masuri dahil ang mga sintomas ay hindi pareho sa bawat pasyente. Maari ring maging kagaya nito ang sintomas ng ibang mga sakit. Ang mga pasyenteng may lupus ay maaaring makaranas ng panghihina. Maaari din makaranas ng pananakit ng kalamnan, kawalan ng ganang kumain, pamamaga ng mga glandula at pagkaubos ng buhok. Minsan, ang pasyente ay nakakaranas din ng pananakit ng tiyan, pagduduwal, pagtatae at pagsusuka. Dahil ang sintomas ng SLE ay maaaring iba’t iba depende sa pasyente, maaaring hanapin ng doktor ang mga sumusunod na tiyak na sintomas:

  • Malar rash – Ang pantal na ito ay maaaring makita sa tapat ng ilong at pisngi na may hugis na parang paru-paro.
  • Discoid rash – Ang pantal na ito ay bilog, mapula, at waring kaliskis na nakikita sa mukha, braso, anit at tainga.
  • Photosensitivity – Pagiging sensitibo sa ultraviolet rays.
  • Ulcer sa ilong at bibig – Hindi ito masakit at marami sa mga pasyenteng may SLE ay hindi batid na mayroon sila nito.
  • Arthritis – Ito ang nagbibigay ng sakit sa kasukasuan, lalo na sa kamay at paa. Hindi tulad ng arthritis sa mga matatanda, ang arthritis na ito ay hindi nakakasira ng buto. Karaniwan sa mga taong may SLE ay mayroong antas ng arthritis.
  • Serositis - Namamaga at naiipon ang pluido sa tisyung serous ng puso, baga, o tiyan.
  • Problema sa bato – Maaaring seryoso o hindi, karaniwan sa mga SLE ay may problema sa bato, ngunit maaaring kalahati lang nito ang mnagiiwan ng permanenteng pagkasira.
  • Problema sa sistemang nerbiyos – Tinutukoy nito ang problema sa utak at nervous system, tulad ng kombulsyon.
  • Problema sa dugo – Maaaring magpababa sa normal na bilang ng red blood cells (anemia), white blood cellwhite blood cells, o platelets.
  • Problema sa sistemang imyuno – Maaaring ipakita ng isang pagsusuri sa dugo kung ang sistemang imyuno ay hindi gumagana nang mabuti.
  • Positibong ANA test – Ito ay isang pagsusuri sa dugo na nagpapakita ng isang tipo ng antibody. Nasa 95% ng mga pasyente na may SLE ay may positibong ANA test.

Ang pasyente mayroon apat o higit na mga sintomas ay may mataas na posibilidad na mayroong SLE. Karamihan sa mga pasyente ay hindi nararanasan ang lahat ng 11 na sintomas.

Sanhi at panganib

Hindi tiyak ang sanhi ng lupus. May mga taga-pagsaliksik na naniniwala na may mga tao na mas mataas ang tsansa na magkaroon ng lupus dahil sa mga bagay na hindi nila kontrolado tulad ng mga sumusunod:

  • Kasarian – Sa bawat isang lalaki, mayroong katumbas na sampung babae na mayroong lupus. May kinalaman ito sa estrogen, ang pambabaeng hormone.
  • Lahi – Madalas na tamaan ng lupus ang mga babaeng African-American, Asian-American, Latin-American, at Native-American.
  • Medikal na kasaysayan ng pamilya – Nasa 10% ng mga taong may lupus ay mayroong kamag-anak na nagkaroon din ng nasabing karamdaman.
  • Matinding stress o impeksyon

Pagsusuri

Maaaring magsagawa ang doktor ng pagsusuri sa dugo o sa ihi tulad ng sumusnod:

Lunas

Lunas para sa mga tiyak na sintomas

  • Para sa pananakit at pamamaga ng kasukasuan – Ito ay maaaring makontrol gamit ang NSAIDs.
  • Pamamantal ng balat – Iwasan ang magbilad sa araw at maglagay ng sunblock. Maaari din gumamit ng topical corticosteroids upang mabawasan ang pamamaga ng balat. Maaari din gumamit ng oral steroids o antimalarial drugs.
  • Namamalaging sakit ng kasukasuan, kalamnan at pamamantal ng balat – Maaaring irekomenda ng doktor ang belimumbab lalo na kung dati pang nakakaranas ang pasyente ng pananakit ng kalamnan at buto.
  • Panghihina – Importante na malaman ang napapailalim na dahilan ng panghihina para malaman ang angkop na gamot.
  • Pamamaga sa palibot ng puso at baga – Maaari itong malunasan ng NSAIDs, gamot sa malaria, o corticosteroid.

Lunas para sa agresibong lupus

Ang mga kaso ng lupus na nagbibgay panganib sa buhay tulad ng problema sa bato at sistemang nerbiyos, at pamamaga ng daluyan ng dugo, ay mangangailangan ng agresibong gamutan tulad ng:

  • Mataas na dosis ng corticosteroids – Maaari ito makatulong sa seryosong kaso ng lupus ngunit maaaring magkaroon ng di inaasahang epekto.
  • Immunosuppressive drugs – Tinutulungan ng mga gamot na ito na pigilin ang sistemang imyuno na labanan ang mga selyula at organo ng katawan. Gayunman, maaari pa rin itong magdulot ng mga di-inaasahang epekto.

Posibleng komplikasyon

Ang pamamaga na dulot ng lupus ay maaaring makaapekto sa mga bato, sa gitnang sistemang nerbyos (central nervous system), baga, at puso. Samantala, ang pasyenteng may lupus ay maaari rin magkaroon ng impeksyon, kanser, pagkamatay ng mga tisyu ng buto (avascular necrosis), at komplikasyon sa pagbubuntis.

Pag-iwas

Ang mga simpleng paraan na ito ay maaaring makatulong na makaiwas sa paglala ng lupus.

  • Pagkakaroon ng sapat na oras ng pahinga.
  • Protektahan ang sarili mula sa araw.
  • Iwasan ang paninigarilyo.
  • Kumain ng masustansiya pagkain


Sanggunian

  • Lupus. Kidshealth.org (Hinango noong 18 Oktubre 2011.)
  • Lupus. Mayo Clinic. (Hinango noong 18 Oktubre 2011.)