Malunggay

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang malunggay ay isang halamang kilala sa taglay nitong benepisyo sa pagpapagaling ng maraming karamdaman. Ito ay kilala sa iba’t-ibang parte ng mundo sa mga pangalang moringa (sa Ingles) at sajina (sa India). Samantala, ang siyentipikong pangalan nito ay moringa oleifera at kabilang ito sa pamilya ng moringaceae.

Napakadaling tumubo ng malunggay at makikita sa buong bansa dahil may kakayahan itong lumago kahit sa anong uri ng lupa. Ito ay tumataas hanggang siyam na metro. Malambot ang puno nito pati ang balat. Mayroon din itong mga maliliit at puting bulaklak at namumunga. Hindi ito maselan at nangangailangan ng matinding pagaalaga. Karaniwan itong nakikita sa mga bakuran at ginagamit sa pagluluto. Ginagamit lahat ng parte ng halaman sa samu’t-saring aplikasyon, mula sa ugat hanggang dahon.

Benepisyo at mga pagsusuri

  • Dahon - Mayaman sa calcium (apat na beses na mas mataas kaysa gatas), [[Vitamin

C]], iron, at phosphorus. Ito rin ay nakakatulong sa paggawa ng gatas ng mga inang nagpapasuso.

  • Buto - May 40% na langis na tinatawag na ben oil na ginagamit sa pagmamasahe.

Sa Ayurvedic medicine ito ay importanteng langis sa pagsasagawa ng detoxification massage na tinatawag na abhyanga. Samantala, ang dinurog na buto ng malunggay ay nakakalinis ng maruming tubig.

  • Bunga, buto at bulaklak - Ginagamit na anti-oxidant, anti-[diabetes|diabetic]],

antifungal, at pampatanggal ng mga parasitiko sa tiyan.

  • May mga pagsusuri na nagsasabing nakakapagpababa ito ng blood pressure.
  • Nakakatulong sa sakit na galing sa rayuma, sakit ng ulo at migraine.
  • Nakakatulong ito sa pagpapaliit ng mga tumor.
  • Ang pinagpakuluan ng mga ugat nito ay ginagamit sa paghuhugas at paggamot ng mga

singaw at ulcer; pamamalat at masakit na lalamunan; hinahalo sa gatas para sa asthma, sinok, gout, lumbago, at pagkabalisa.

  • Ang mga bulaklak na pinakuluan sa soy milk ay sinasabing isang aphrodisiac.
  • Ang mga dinikdik na sariwang dahon na hinalo sa virgin coconut oil ay mahusay sa

mga sugat sa balat.

Sanggunian

Malunggay – Scientific name: Moringa oleifera Lam.] Philippine Medical Plants (Hinango noong 28 Hunyo 2011)

The Miracle Vegetable.] Agriculture Business Week. (Hinango noong 28 Hunyo 2011)

oleifera Lam.)] Philippine Herbal Medicine (Hinango noong 28 Hunyo 2011)

NaturalNews.com (Hinango noong 28 Hunyo 2011)