Masakit ng Lalamunan at Namamagang Tonsil

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 106G.jpg

Ang mga problemang ito ay kadalasang nagsisimula sa mga karaniwang sipon. Ang lalamunan ay maaaring namumula at sumasakit kapag lumulunok ang bata. Ang tonsil (dalawang parang maliliit na bukol na nakikita sa magkabilang gilid ng lalamunan) ay maaaring lumaki at sumakit o magnana. Ang lagnat ay maaaring umabot sa 40°.



Paggamot:

  • Magmumog ng mainit na tubig na may asin (1 kutsaritang asin sa 1 basong tubig).
  • Upang mawala ang kirot, uminom ng aspirina o acetaminophen.
  • Kapag biglang kumirot at nilagnat, o nagpatuloy ito sa loob ng mahigit na 3 araw.


Masakit na lalamunan at ang panganib ng lagnat-rayumatiko:

Para sa masakit na lalamunan na kasabay ng sipon o trangkaso, huwag gumamit ng antibayotiko dahil wala itong maitutulong. Sapat na ang uminom ng aspirina at magmumog.

Gayunman, may isang klase ng pananakit ng lalamunan—yaong tinatawag ng strep throat—na dapat gamitan ng penicillin. Karaniwan ito sa mga bata at mga kabataan. Kadalasan, nagsisimula ito sa matinding pananakit ng lalamunan at pagdapo ng lagnat, bagama't walang mga palatandaan ng sipon o ubo. Maaaring mamula ang ngalangala at ang tonsil, at mamaga ang kulani sa may panga.

Magbigay ng penicillin sa loob ng 10 araw. Kapag maagang ibinigay ang penicillin, at naipagpatuloy sa loob ng 10 araw, nababawasan ang panganib na magkaroon ng lagnat-rayumatiko. Ang isang batang may strep throat ay hindi dapat kumain at matulog kasama ng iba upang maiwasan ang pagkahawa.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 7 Mayo 2010).