Mga Bagay na Dapat Iwasan sa Pagkain

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Maraming tao ang naniniwala na maraming uri ng pagkaing makasasama sa kanila, o hindi dapat kainin kapag sila ay may sakit. Maaaring isipin nilang ang ibang uri ng pagkain ay 'mainit' at ang iba ay 'malamig,' at ayawan ang mainit na pagkain para sa 'mainit' na sakit; o iwasan ang malamig na pagkain para sa 'malamig' na sakit. O maaaring maniwala sila na maraming iba't ibang pagkain ang masama para sa isang inang bagong panganak. Makatwiran ang ilan sa mga paniwalang ito, pero ang iba ay nakasasama kaysa nakabubuti. Madalas, ang mga pagkaing inaakala ng mga tao na dapat nilang iwasan kapag may sakit sila, ay siya mismong mga pagkaing kailangan nila upang gumaling.

Mas kailangan ng taong may sakit ang mga pagkaing pampalaki ng katawan kaysa isang taong malusog. Hindi natin dapat gaanong ipagalala ang pagkaing maaaring makasama sa isang maysakit. Mas dapat nating isipin ang mga pagkaing makatutulong sa kanya para lumusog at gumaling―halimbawa: prutas, gulay, gatas, karne, itlog at isda. Bilang pangkalahatang tuntunin.


Paalala: Ang mga pagkaing mabuti sa atin kung wala tayong sakit ay siya ring makabubuti sa atin kung tayo'y may sakit.


Gayundin naman, ang mga bagay na nakasasama sa atin kapag wala tayong sakit ay higit na nakasasama kapag tayo'y may sakit. Iwasan ang gma bagay na ito:

  • Ang alak ay nagiging sanhi o nakapagpapalala ng sakit sa atay, sakit sa bituka, at mga sakit na may kaugnayan sa ugat. Nagiging sanhi rin ito ng mga problemang panlipunan.
    Graphics 405.jpg
  • Ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng paulit-ulit na ubo (pangmatagalan) o kanser sa baga at iba pang karamdaman. Ang paninigarilyo ay higit na masama sa mga taong may sakit sa baga, tulad ng tuberkulosis, hika, at brongkitis.
  • Ang labis na mamantika at maanghang na pagkain o labis na kape ay maaaring maging sanhi ng ulser sa tiyan at iba pang problemang kaugnay ng pagtunaw ng pagkain.
  • Ang labis na asukal at matatamis na pagkain ay nakapagpapawal ng ganang kumain, nakabubulok ng ngipin, maaaring maging sanhi ng sakit sa puso, at maging isa sa mga dahilan ng kanser sa bituka. Gayunman, may asukal na maaaring makatulong sa pagbibigay ng sustansiya sa isang taong malubha ang sakit o batang kulang na kulang sa sustansiya ang katawan.


May ilang sakit na nangangailangan ng di-pagkain ng ilang tiyak na pagkain. Halimbawa, ang mga taong may alta presyon, sakit sa puso, o namamanas ang paa, ay dapat kumain ng kaunting asin o umiwas sa pagkain nito. Ang sobrang asin ay hindi mabuti kahit kaninong tao. Ang ulser sa bituka at diabetes ay nangangailangan din ng mga piling pagkain.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 23 Abril 2010).

Kategorya:Kalusugan