Mga Bagay na Dapat ihanda ng Ina bago manganak

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang mga sumusunod ay dapat ihanda ng bawat ina sa ikapitong buwan ng pagbubuntis.

  • Malinis na mga tela o basahan.
  • Sabon.
  • Malinis ng sepilyong panlinis ng kamay at kuko.
  • Alkohol na pamunas matapos maghugas.
  • Malinis na bulak.
  • Baong blade na pang-ahit. (Huwag munang alisan ng balot hangga't hindi pa puputulin ang pusod ng bata)

(Kung walang bagong blade na pang-ahit, maghanda ng malinis at walang kalawang na gunting. Pakuluan ito bago gamitin).

  • Isterilisadong gasa o malinis na mga telang pantapal sa pusod.
  • Dalawang ribbon o mahahaba't makikitid na pilas ng tela para pangtali ng pusod.
  • Ang mga pantapal at pambigkis ay dapat ilagay sa selyadong sobre at painitan sa hurnuhan o plantsahin.


Dagdag na gamit para sa mga komadrona o attendant

  • Plaslayt (ilaw).
  • Panipsip ng sipon sa ilong at bibig ng bata.
  • Heringgilya at mga karayom na isterilisado.
  • Mga iniksiyon ng ergonovine (o ergometrine).
  • Dalawang palanggana-isa para panghugas ng kamay at isa para pansalo at pang-eksamin ng inunan ng bata.
  • Fetoscope-o stethoscope sa fetus-para pakinggan ang tibok ng puso ng bata sa tiyan ng ina.
  • Gunting na di-matulis ang dulo para pamputol ng pusod bago tuluyang isilang ang bata (pang-emergency lamang).
  • Dalawang sipit (hemostat) para pang-ipit sa umbilical cord o sa nagdurugong ugat sa mga punit sa lagusan ng bata.
  • Isterilisadong karayom at sinulid para panahi sa mga punit sa lagusan ng bata.
  • Silver nitrate na pampatak sa mga mata ng bata.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 1 Mayo 2010).

Kategorya:Kalusugan