Mga Pagkaing kailangan ng ating Katawan para Manatiling Malusog

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Para maging malusog at malakas, ang ating katawan ay nangangailangan ng balanse at iba-ibang masustansiyang pagkain araw-araw, Sa bawat pagkain, dapat tayong kumain ng mga bagay mula sa apat na grupong ito:

Contents

Mga Pagkaing Nakapagpapalaki ng Katawan, o Protina:

Ang protina ay pagkaing nagpapalaki ng katawan. Kailangan ito para sa wastong paglaki, para sa pagpapalusog ng mga masel, utak at maraming bahagi ng ating katawan. Upang lumaki at maging malakas, bawat isa ay kailangang kumain ng sapat na protina araw-araw.

Mga pagkaing mayaman sa protina:

Graphics 382.jpg
  • karne
  • manok
  • itlog
  • isda
  • gatas
  • keso
  • balatong
  • nakakaing insekto (balang, pagkaing-dagat, salagubang)

Mga pagkaing kakaunti ang protina:

  • beans
  • gisantes
  • sitaw at bataw
  • nuts (pili)
  • mani
  • berde at madahong gulay
  • pagkaing-butil (trigo oat, millet)


Mga Pagkaing Pampalakas, o Carbohydrates:

Graphics 383.jpg

Matatamis at may Starch:

Ang mga pagkaing may starch (magawgaw) at matatamis ay pampalakas ng katawan. Tulad nito'y kahoy na pampaliyab sa apoy. Mas puspusang nagtatrabaho ang isang tao, mas maraming pagkaing pampalakas ang kanyang kailangan. Ngunit ang pagkain lamang ng mga ito, nang walang kasamang protina, ay nagpapahina sa ating katawan.

Starch:

  • mais
  • pagkaing-butil (trigo)
  • bigas, oat, millet, sorghum
  • noodles (pasta)
  • kamote, tugi
  • patatas
  • kalabasa
  • kasaba o kamoteng-kahoy
  • taro, (eddo, poil)

Matatamis:

  • asukal
  • pulot-pukyutan
  • buo-buong asukal (raw sugar), pulot
  • prutas
  • matamis at hinog na saging
  • gatas


Pagkaing Nagtitipon ng Lakas:

Taba at Mantika:

Ang taba ay isang uri ng sama-sama o nakaipong lakas. Ang taba ay nagiging matamis na sangkap kapag kailangan ng ating katawan ang higit na lakas. Ang pagkain ng labis na taba ay maaaring makapinsala, pero ang pagkain ng kakaunting taba o mantika ay nakapagpapalusog.

Mga pagkaing may kaunting taba:

  • mani
  • sesame
  • balatong
  • niyog
  • nuts
  • abokado
  • gatas

Mga pagkaing mayaman sa taba:

Graphics 383B.jpg
  • mantikang panluto (mas mahusay ang mantikang galing sa halaman kaysa baboy)
  • salad oil
  • taba ng baka at baboy
  • bacon
  • mantekilya
  • margarina


Pagkaing Panlaban sa Sakit:

Iyong Sagana sa Bitamina at Mineral:

Ang bitamina ay pagkaing panlaban sa sakit. Tumutulong ito sa ating katawan upang maayos na makatugon sa pagtatrabaho. Tayo'y nagkakasakit kung hindi tayo kumakain ng mga pagkaing nagtataglay ng lahat ng kinakailangang bitamina.

Kailangan ang mineral upang magkaroon ng sapat na dugo, matitibay na buto,at ngipin.

Mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral:

Graphics 384.jpg
  • karne (lalo na ang atay)
  • manok
  • itlog
  • isda (at mantikang mula sa atay nito)
  • keso
  • gatas
  • gulay (lalo na ang berdeng-berde at madidilaw)
  • prutas
  • lahat ng pagkaing-butil (cereal)
  • halamang-dagat (para sa iodine)


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 22 Abril 2010).