Mga Palatandaan na Malapit na ang Panganganak

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 100E.jpg
  • Ilang araw bago magsimula ang panganganak, bumababa ang sanggol sa bahay-bata. Makahihinga nang mas maluwag ang ina, pero magiging mas madalas ang kanyang pag-ihi dahil sa bigat ng bata sa pantog. (Sa mga panganay ang mga palatandaang ito ay maaaring lumitaw 2 linggo bago manganak.)
  • Ilang oras bago magsimula ang panganganak, may lalabas na munting patak ng mucus sa lagusan ng bata. O kaya, maaaring may lumabas na mucus 2 or 3 araw bago magsimula ang panganganak. Kung minsan, may kasamang dugo. Ito ay normal.
  • Ang paghilab (biglang paghigpit ng bahay-bata) ay maaaring magsimula ilan araw bago manganak; sa simula, mahabang oras ang lumilipas sa pagitan ng mga paghilab―ilang minuto o kaya'y oras. Kapag lalong lumalkas, nagiging regular, at dumadalas ang paghilab, nagsisimula na ang panganganak.
  • May mga babaing nagkakaroon ng mga paghilab ilang linggo bago manganak. Normal ito. Sa ilang pagkakataon, maaaring magkaroon ng "false labor" ang babae. Nangyayari ito kapag malakas ang paghilab o maiigsi nag pagitan nito. Humihinto rin ito ilang oras o araw bago talaga magsimula ang panganganak. Kung minsan, nakatutulong ang paglalakad o ang labatiba para mapayapa ang mga paghilab kung ang mga ito ay di-tunay, o kaya'y matuloy ang panganganak kung ang mga ito ay tunay.

Ang mga kirot sa panganganak ay sanhi ng mga paghilab o paghigpit ng bahay-bata.
Sa pagitan ng mga paghilab, ang bahay-bata ay naka-relaks.
Kapag humihilab, sumisikip ang bahay-bata at tumataas nang tulad nito:

Sa bawat paghilab ay unti-unting bumubukas ang "cervix" o pintuan ng bahay-bata."

  • Ang panubigang kinalalagyan ng sanggol sa bahay-bata ay pumuputok at lumalabas ang tubig ilang sandali matapos magsimula ang panganganak. Kapag pumutok ang panubigan bago magsimula ang mga paghilab, ito ay malamang na simla ng panganganak. Matapos pumutok ang panubigan, dapat maging malinis ang ina. Ang paglalakad-lakad ay maaaring makatulong sa pagpapadali ng panganganak.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 4 Mayo 2010).

Kategorya:Kalusugan