Mga Sakit sa Balat

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang ilan sa mga problema sa balat ay sanhi ng mga sakit o pangangati na umaapekto sa balat lamang—tulad ng buni, singaw dahil sa lampin, o kulugo. Ang iba ay mga palatandaan ng mga karamdamang umaapekto sa buong katawan—tulad ng singaw ng tigdas o pangingirot ng nanunuyong balat dahil sa pellagra (malnutrisyon). May ilan ding pananakit o pagbabago sa kondisyon ng balat na maaaring palatandaan ng delikadong sakit—gaya ng tuberkulosis, sipilis o ketong.

Pag ang balat ay may At sa tingin ay tulad ng Maaaring kayo ay may sakit na
Mga butol o mga singaw nanangangati sa umpisa,
sa pagitan ng mga daliri, pagkatapos ay sa
pulsuhan at sa baywang
galis-aso
Maliit o parang tagihawat na
singaw
Tagihawat o singaw na may nana o implamasyon,
madalas ay dahil sa pagkakamot ng kagat ng insekto.
Maaaring makapagpamaga ng kulani.
impeksiyon mula bakterya
Iregular at kumakalat na singaw na may
nangingintab at naninilaw na langib.
impetigo
(impeksiyon mula bakterya)
Tagihawat sa mukha, kung minsa'y sa dibdib at
likod, madalas na may blackheads o nana
acne, tagihawat, blackheads
Singaw sa ari na hindi kumakati o kumikirot. syphilis, venereal
lymphogranuloma
Malaki at di gumagaling na singaw na
naliligiran ng nangingitim na balat—doon mismo o
malapit sa bukongbukong ng matatandang tao
na may varicose veins
Ulser sanhi ng masamang
sirkulasyon ng dugo (posibleng diabetes)
Malaki at nakabukang singaw
o ulser sa balat.
Mga singaw sa balat at bandang kasukasuan ng
mga taong maysakit na di-makabangon
sa pagkakahiga.
Mga singaw dahil sa matagal na
pagkakahiga
Mga singaw na may kasabay na matinding
pamamanhid ng paa at kamay. (Walang mararamdaman
sa mga ito kahit tusukin ng karayom.)
ketong
Pamamagang nag-iinit at kumikirot na
pagkahinog ay nabubusdi.
pigsa o bakukang
Bukol sa ilalim ng balat Nag-iinit at nananakit na pamumukol sa dibdib ng
babaeng nagpapasuso sa anak.
mastitis (impeksiyong sanhi ng
bakterya), maaaring kanser
Bukol na patuloy sa paglaki. Karaniwang di masakit
sa simula.
kanser
Isa o higit pang bukol sa ulo, leeg, katawan o hita. onchocerciasis
(river blindness)
Namamagang kulani Bukol sa gawing kanan at kaliwa ng leeg na
patuloy na nabubusdi at nagkakapilat.
scrufola
(isang uri ng tuberkulosis)
Bukol sa gawing itaas ng singit na patuloy
na nabubusdi at nagkakapilat.
venereal lymphogranuloma
malalaking batik o patse Maiitim na patse sa noo at pisngi ng buntis. marka ng pagbubuntis
Nangangaliskis at namumutok na bahagi sa braso, binti,
leeg o mukha na parang nasunog sa araw.
pellagra
(isang klase ng malnutrisyon)
Mamula-mulang pasa o natutuklap na singaw sa
namamagang paa ng bata.
malnutrisyon
Bilog o iregular na patse sa mukha o katawan,
lalo nasa bata.
tinea versicolor
(impeksiyong sanhi ng fungus)
Puting patse, lalo na kamay, paa o labi na
nagsisimula sa pamumula o pangangasul ng tagihawat.
pinta (impeksiyon)
Puting patse, lalo na kamay, paa o labi na
nagsisimulang walang anumang palatandaan
vitiligo (pamumutla)
Namumula o namamaltos na pantal sa pisngi,
alak-alakan at kabila ng siko ng sanggol.
eksema
Namumula, nag-iinit, at nananakit na marka
na mabilis kumalat o lumaki.
erysipelas
(isang grabeng impeksiyong bakterya)
Namumulang parte sa pagitan ng hita ng sanggol singaw na bahaging may lampin
dahil sa ihi at init
Pulang pantal at parang buo-buong gatas
sa likot na balat.
moniliasis
(impeksiyong sanhi ng yeast)
namumula o abuhin Namumula o abuhing pantal na may kulay pilak na
kaliskis sa siko at tuhod; paulit-ulit at pangmatagalan
psoriasis
(maaari ring tuberkulosis)
kulugo Simpleng kulugo, di-gaanong malaki. Karaniwang kulugo
(impeksiyon dahil sa virus)
Malalaking kulugo (mahigit sa 1 sentimetro), kadalasa'y
sa braso at paa.
isang uri ng tuberkulosis sa balat
Mumunting impeksiyong pabilog na patuloy na lumalaki
at kumakalat; maaaring mangati.
buni (impeksiyon sanhi ng fungus)
Korteng singsing, namumulang pantal
(karaniwang pantay ang parteng gitna)
Malalaking bilog na makapal ang gilid at di-nangangati malala nang syphilis
Malalaking bilog na manhid ang parteng gitna. (Hindi
nito mararamdaman ang sa ng duro ng karayom.)
ketong
Maliliit na bilog (karaniwang may butas sa gitna),
sa sentido, ilong o leeg.
kanser sa balat
pantal o tagulabay Nangangating singaw, bukol o pantal. (Maaaring agad
lumitaw o kusang mawala.)
resulta ng allergy
Singaw na may kasamang bukol, pangangati at
pagnanaknak.
contact dermatitis
(tulad ng poison ivy o sumac)
Maliliit na singaw sa buong katawan na may kasamang
sinat.
bulutong-tubig
Kumpol o pahabang singaw na tumutubo lamang sa
isang bahagi ng katawan.
Herpes zoster
(isang uri ng buni)
Parteng nagkukulay-abo o nangingitim, nangangamoy,
at may kumakalat na bulang sumisingaw.
gangrena (gas gangrene)
(malubhang impeksiyon dahil sa bakterya)
Singaw o butlig sa buong katawan ng batang malubha
ang sakit.
tigdas
maliliit, namumulang pantal o singaw
sa buong katawan ng isang may lagnat
Makaraan ang ilang araw ng lagnat, lumalabas
ang maliliit, mamulamulang pantal sa katawan ng
taong malubha na ang sakit.
tipus


Paalala: Kapag lumulubha pa rin ang sakit sa balat matapos lapatan ng lunas, humingi ng tulong sa doktor.


Contents

Pangkalahatang tuntunin sa paggamot ng mga sakit sa balat

Bagama't may kanya-kanyang karampatang luans sa iba't ibang klase ng sakit sa balat, may ilang pangkalahatang pamamaraan na madalas makatulong:

Tuntunin bilang 1

Kapag may lumabas na mga palatandaan ng malalang impeksiyon sa balat tulad ng:

  • implamasyon (pamumula ng balat sa paligid ng apektadong parte)
  • pamamaga
  • pagkirot
  • pag-iinit
  • pagnanana

Gawin ang mga sumusunod:

Graphics 180B.jpg
  • Itaas ang posisyon ng apektadong parte kaysa ibang bahagi ng katawan.
  • Tapalan ng mamasa-masa at mainit na tela.
  • Kung grabe ang impeksiyon o nilalagnat ang apektadong tao, kailangan niya ng antibayotiko (penicillin o sulfonamide).

Ilan sa mga delikadong palatandaan ang pamamaga ng kulani: linyang namumula sa itaas ng apektadong parte, o masamang amoy. Kapag ang mga ito ay di napagaling ng gma binanggit na panlunas, gumamit ng antibayotiko at humingi agad ng tulong sa doktor.

Tuntunin bilang 2

Graphics 182.jpg

Kapag ang apektadong parte ay nagkaroon ng paltos o langib, nagnanaknak, nangangati, kumikirot o nag-iinit, gawin ang mga sumusunod:

  • Tapalan ng damit na binasa sa malamig na tubig at putting suka (2 kutsarang suka sa ¼ galon na tubig, puro o pinakuluan).
  • Kung mabuti na ang pakiramdam sa apektadong parte, hindi na nagnanaknak, at may pumapalit nang bagong balat, pahiran ng pulbos (talcum powder) na tinunaw sa tubig (1 parteng pulbos sa 1 parteng tubig).
  • Kapag gumaling na ang apektadong parte at natutuyo na ang balat, pahiran ito ng langis upang lumambot at maging natural.

Tuntunin bilang 3

Graphics 183.jpg

Kung ang apektadong balat ay nasa bahagi ng katawan na karaniwang naiinitan ng araw, iwasang mainitan ito ng araw.


Tuntunin bilang 4

Kung ang apektadong balat ay nasa bahaging natatakpan ng damit, painitan ito sa araw nang 20 minuto, 2 o 3 beses isang araw.


Paraan ng pagtatapal ng telang itinubog sa mainit na tubig:

  • Magpakulo ng tubig at bahagya itong palamigin sa temperaturang kayang indahin ng mga daliri.
  • Kumuha ng tela at tiklupin ito nang mas malaki kay sa bahaging gagamutin. Itubog ang tela sa mainit na tubig at pigain.
  • Itapal ang tela sa apektadong balat.
  • Takpan ang tela ng manipis na plastik o selopen.
  • Balutan ito ng tuwalya upang mapanatili ang init.
  • Hayaang nakataas nang bahagya ang apektadong parte.
  • Kapag lumamig na ang tela, itubog uli sa tubig at ulitin ang ginawang paraan.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 28 Abril 2010).

Kategorya:Sakit