Mga Sakit sa Balat
From Wikihealth
Ang ilan sa mga problema sa balat ay sanhi ng mga sakit o pangangati na umaapekto sa balat lamang—tulad ng buni, singaw dahil sa lampin, o kulugo. Ang iba ay mga palatandaan ng mga karamdamang umaapekto sa buong katawan—tulad ng singaw ng tigdas o pangingirot ng nanunuyong balat dahil sa pellagra (malnutrisyon). May ilan ding pananakit o pagbabago sa kondisyon ng balat na maaaring palatandaan ng delikadong sakit—gaya ng tuberkulosis, sipilis o ketong.
| Pag ang balat ay may | At sa tingin ay tulad ng | Maaaring kayo ay may sakit na |
| Mga butol o mga singaw nanangangati sa umpisa, sa pagitan ng mga daliri, pagkatapos ay sa pulsuhan at sa baywang | galis-aso | |
| Maliit o parang tagihawat na singaw | Tagihawat o singaw na may nana o implamasyon, madalas ay dahil sa pagkakamot ng kagat ng insekto. Maaaring makapagpamaga ng kulani. | impeksiyon mula bakterya |
| Iregular at kumakalat na singaw na may nangingintab at naninilaw na langib. | impetigo (impeksiyon mula bakterya) | |
| Tagihawat sa mukha, kung minsa'y sa dibdib at likod, madalas na may blackheads o nana | acne, tagihawat, blackheads | |
| Singaw sa ari na hindi kumakati o kumikirot. | syphilis, venereal lymphogranuloma | |
| Malaki at di gumagaling na singaw na naliligiran ng nangingitim na balat—doon mismo o malapit sa bukongbukong ng matatandang tao na may varicose veins | Ulser sanhi ng masamang sirkulasyon ng dugo (posibleng diabetes) | |
| Malaki at nakabukang singaw o ulser sa balat. | Mga singaw sa balat at bandang kasukasuan ng mga taong maysakit na di-makabangon sa pagkakahiga. | Mga singaw dahil sa matagal na pagkakahiga |
| Mga singaw na may kasabay na matinding pamamanhid ng paa at kamay. (Walang mararamdaman sa mga ito kahit tusukin ng karayom.) | ketong | |
| Pamamagang nag-iinit at kumikirot na pagkahinog ay nabubusdi. | pigsa o bakukang | |
| Bukol sa ilalim ng balat | Nag-iinit at nananakit na pamumukol sa dibdib ng babaeng nagpapasuso sa anak. | mastitis (impeksiyong sanhi ng bakterya), maaaring kanser |
| Bukol na patuloy sa paglaki. Karaniwang di masakit sa simula. | kanser | |
| Isa o higit pang bukol sa ulo, leeg, katawan o hita. | onchocerciasis (river blindness) | |
| Namamagang kulani | Bukol sa gawing kanan at kaliwa ng leeg na patuloy na nabubusdi at nagkakapilat. | scrufola (isang uri ng tuberkulosis) |
| Bukol sa gawing itaas ng singit na patuloy na nabubusdi at nagkakapilat. | venereal lymphogranuloma | |
| malalaking batik o patse | Maiitim na patse sa noo at pisngi ng buntis. | marka ng pagbubuntis |
| Nangangaliskis at namumutok na bahagi sa braso, binti, leeg o mukha na parang nasunog sa araw. | pellagra (isang klase ng malnutrisyon) | |
| Mamula-mulang pasa o natutuklap na singaw sa namamagang paa ng bata. | malnutrisyon | |
| Bilog o iregular na patse sa mukha o katawan, lalo nasa bata. | tinea versicolor (impeksiyong sanhi ng fungus) | |
| Puting patse, lalo na kamay, paa o labi na nagsisimula sa pamumula o pangangasul ng tagihawat. | pinta (impeksiyon) | |
| Puting patse, lalo na kamay, paa o labi na nagsisimulang walang anumang palatandaan | vitiligo (pamumutla) | |
| Namumula o namamaltos na pantal sa pisngi, alak-alakan at kabila ng siko ng sanggol. | eksema | |
| Namumula, nag-iinit, at nananakit na marka na mabilis kumalat o lumaki. | erysipelas (isang grabeng impeksiyong bakterya) | |
| Namumulang parte sa pagitan ng hita ng sanggol | singaw na bahaging may lampin dahil sa ihi at init | |
| Pulang pantal at parang buo-buong gatas sa likot na balat. | moniliasis (impeksiyong sanhi ng yeast) | |
| namumula o abuhin | Namumula o abuhing pantal na may kulay pilak na kaliskis sa siko at tuhod; paulit-ulit at pangmatagalan | psoriasis (maaari ring tuberkulosis) |
| kulugo | Simpleng kulugo, di-gaanong malaki. | Karaniwang kulugo (impeksiyon dahil sa virus) |
| Malalaking kulugo (mahigit sa 1 sentimetro), kadalasa'y sa braso at paa. | isang uri ng tuberkulosis sa balat | |
| Mumunting impeksiyong pabilog na patuloy na lumalaki at kumakalat; maaaring mangati. | buni (impeksiyon sanhi ng fungus) | |
| Korteng singsing, namumulang pantal (karaniwang pantay ang parteng gitna) | Malalaking bilog na makapal ang gilid at di-nangangati | malala nang syphilis |
| Malalaking bilog na manhid ang parteng gitna. (Hindi nito mararamdaman ang sa ng duro ng karayom.) | ketong | |
| Maliliit na bilog (karaniwang may butas sa gitna), sa sentido, ilong o leeg. | kanser sa balat | |
| pantal o tagulabay | Nangangating singaw, bukol o pantal. (Maaaring agad lumitaw o kusang mawala.) | resulta ng allergy |
| Singaw na may kasamang bukol, pangangati at pagnanaknak. | contact dermatitis (tulad ng poison ivy o sumac) | |
| Maliliit na singaw sa buong katawan na may kasamang sinat. | bulutong-tubig | |
| Kumpol o pahabang singaw na tumutubo lamang sa isang bahagi ng katawan. | Herpes zoster (isang uri ng buni) | |
| Parteng nagkukulay-abo o nangingitim, nangangamoy, at may kumakalat na bulang sumisingaw. | gangrena (gas gangrene) (malubhang impeksiyon dahil sa bakterya) | |
| Singaw o butlig sa buong katawan ng batang malubha ang sakit. | tigdas | |
| maliliit, namumulang pantal o singaw sa buong katawan ng isang may lagnat | Makaraan ang ilang araw ng lagnat, lumalabas ang maliliit, mamulamulang pantal sa katawan ng taong malubha na ang sakit. | tipus |
Paalala: Kapag lumulubha pa rin ang sakit sa balat matapos lapatan ng lunas, humingi ng tulong sa doktor.
Contents |
Pangkalahatang tuntunin sa paggamot ng mga sakit sa balat
Bagama't may kanya-kanyang karampatang luans sa iba't ibang klase ng sakit sa balat, may ilang pangkalahatang pamamaraan na madalas makatulong:
Tuntunin bilang 1
Kapag may lumabas na mga palatandaan ng malalang impeksiyon sa balat tulad ng:
- implamasyon (pamumula ng balat sa paligid ng apektadong parte)
- pamamaga
- pagkirot
- pag-iinit
- pagnanana
Gawin ang mga sumusunod:
- Itaas ang posisyon ng apektadong parte kaysa ibang bahagi ng katawan.
- Tapalan ng mamasa-masa at mainit na tela.
- Kung grabe ang impeksiyon o nilalagnat ang apektadong tao, kailangan niya ng antibayotiko (penicillin o sulfonamide).
Ilan sa mga delikadong palatandaan ang pamamaga ng kulani: linyang namumula sa itaas ng apektadong parte, o masamang amoy. Kapag ang mga ito ay di napagaling ng gma binanggit na panlunas, gumamit ng antibayotiko at humingi agad ng tulong sa doktor.
Tuntunin bilang 2
Kapag ang apektadong parte ay nagkaroon ng paltos o langib, nagnanaknak, nangangati, kumikirot o nag-iinit, gawin ang mga sumusunod:
- Tapalan ng damit na binasa sa malamig na tubig at putting suka (2 kutsarang suka sa ¼ galon na tubig, puro o pinakuluan).
- Kung mabuti na ang pakiramdam sa apektadong parte, hindi na nagnanaknak, at may pumapalit nang bagong balat, pahiran ng pulbos (talcum powder) na tinunaw sa tubig (1 parteng pulbos sa 1 parteng tubig).
- Kapag gumaling na ang apektadong parte at natutuyo na ang balat, pahiran ito ng langis upang lumambot at maging natural.
Tuntunin bilang 3
Kung ang apektadong balat ay nasa bahagi ng katawan na karaniwang naiinitan ng araw, iwasang mainitan ito ng araw.
Tuntunin bilang 4
Kung ang apektadong balat ay nasa bahaging natatakpan ng damit, painitan ito sa araw nang 20 minuto, 2 o 3 beses isang araw.
Paraan ng pagtatapal ng telang itinubog sa mainit na tubig:
- Magpakulo ng tubig at bahagya itong palamigin sa temperaturang kayang indahin ng mga daliri.
- Kumuha ng tela at tiklupin ito nang mas malaki kay sa bahaging gagamutin. Itubog ang tela sa mainit na tubig at pigain.
- Itapal ang tela sa apektadong balat.
- Takpan ang tela ng manipis na plastik o selopen.
- Balutan ito ng tuwalya upang mapanatili ang init.
- Hayaang nakataas nang bahagya ang apektadong parte.
- Kapag lumamig na ang tela, itubog uli sa tubig at ulitin ang ginawang paraan.
Sanggunian
- David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 28 Abril 2010).


