Miliaria

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang miliaria, o bungang araw ay isang problema sa balat na dala ng pagbibilad sa araw at sobrang init. Ito ay laganap sa mga buwan ng tag-init lalo na sa mga lugar na mahalumigmig na klima. Ang kalagayan ay karaniwang self-limited at nawawala ng kusa sa loob ng ilang araw. Bihirang itong maging malubhang karamdaman.

Contents

Mga apektado

  • Mga sanggol
  • Mga batang edad 4 pababa
  • Mga atleta o mga taong nageehersisyo sa mainit na lugar
  • Mga matataba o mga taong labis ang katabaan
  • Mga nakaratay na pasyente o debilitado at hindi madalas gumalaw
  • Mga taong may likas na kakulangan o kalabisan sa pagpapawis
  • Mga militar

Uri

  1. Crystalline miliaria (malinaw);
  2. Miliaria pustulosa (maputi o madilaw);
  3. Miliaria rubra (mapula); at,
  4. Miliaria profunda (malalim).

Iba pang mga tawag sa bungang araw

  • Prickly heat rash
  • Baby heat rash
  • Adult heat rash
  • Infant heat rash
  • Children's heat rash
  • Heat rash pimples
  • Clear heat rash
  • miliaria crystalline
  • White/yellow heat rash
  • Red heat rash
  • Deep heat rash

Sanhi

Ang bungang-araw ay nagmumula sa pagbara ng mga labasan ng pawis at hair follicles sa balat. Nagsisimula ito bilang maliliit na butlig ng tubig at nagdudulot ng pamamaga at pangangati. Mataas ang sodium content sa pawis na nagdudulot ng iritasyon. Mahalagang malinis ang balat sa pamamagitan ng paghugas gamit ang banayad na sabon at tubig.

Maaari ring maging dahilan ng paglubhha ng miliaria ang mga sumusunod na salik:

  • Mataas na kahalumigmigan
  • Mataas na temperatura
  • Paglangoy sa jacuzzi o pagpasok sa sauna, at steam room
  • Pagkakaroon ng lagnat
  • Pagkakasunog ng balat sa araw
  • Labis na pagpapawis (hyperhidrosis)
  • Pagsuot ng masikip na damit o iyong may mga makapal at di-breathable tela
  • Paglalagay ng pabango, body oil, mababangong lotion at cream na maaari ring maging sanhi ng secondary na pangangati at allergic dermatitis.

Sintomas

Lumilitaw ang maliliit na butlig (gooseflesh), na kulay rosas hanggang malinaw, sa mga mukha o leeg. Sa iba namang parte ng katawan, maaaring kulay pula o rosas ang mga pantal sa balat. Sa higit pang malalang insidente, maaaring may mas higit na pangangati at malalaking latay, pantal, o matataas na pulang butlig. Mula sa wala hanggang matinding pangangati ay maaaring maramdaman.

Anumang parte ng katawan ay maaaring maapektuhan. Ganunpaman, ang mga lugar na madalas magkaroon ng miliaria ay ang mga sumusunod:

Lunas

Karamihan sa mga kaso ng miliaria ay nalulutas nang walang pagsusuri mula sa doktor. Ang paulit-ulit na paglitaw ng bungang araw ay karaniwang sinusuri sa pamamagitan ng simpleng pagtingin sa hitsura ng balat at pag-alam sa bilang ng oras o tagal ng pagkabilad sa araw.

Samantala, ang mga di-pangkaraniwan o mas matatapang na kaso ng bungang-araw ay maaaring mangailangan ng skin culture, isang pagsusuri ng mga scrapings ng balat gamit ang microscope, o isang skin biopsy. Karagdagang pang mga pagsusuri ang maaaring gawin upang maibukod ang iba pang maaaring sanhi ng rashes sa balat tulad ng impeksyong dulot ng bacteria at fungi, allergy, at eczema.

Mga home remedies

  • Katas ng halamang aloe vera
  • Paglalagay ng gawgaw sa balat

Pangangalaga

Karamihan sa mga bungang-araw ay nawawala ng kusa, madalas sa loob ng isang araw pagkatapos lumipat sa mas malamig na lugar. Ang mga sumusunod na hakbang at mga remedyo ay maaaring makatulong:

  • Paglilinis ng balat gamit ang isang banayad na sabon.
  • Pagbabanlaw ng mabuti at dahan-dahang pagtutuyo gamit ang tuwalya.
  • Paglapat ng frozen peas o cool pack sa mga apektadong mga parte ng balat. Hindi dapat iwanan ang pack ng higit sa 20 minuto kada oras.
  • Paglagay ng banayad na cream cortisone tulad ng hydrocortisone (Cortaid) o resetang cortisone creams tulad triamcinolone para labanan ang rashes o eczema.
  • Pag-inom ng antibiotic na maaaring ireseta para sa mga impeksyong dulot ng bacteria.
  • Pag-inom ng antihistamines tulad ng diphenhydramine (Benadryl) o loratadine (Claritin) upang mabawasan ang pangangati.
  • Madalas na pagpapalit ng damit at pagsuot ng malinis, magaan/manipis at preskong damit na naaayon sa panahon. Mainam din magsuot ng gawa sa bulak o anumang tela na sumisipsip ng pawis at naghihiwalay ng skin folds ng katawan.
  • Maaaring maghubad ngunit hindi maiwasan ang problema ng pagpapawis lalo na sa ilalim ng mga suso at tiyan, at sa pagitan ng puwit.
  • Pag-inom ng tubig para sa pangkalahatang hydration at regulation ng temperatura ng katawan.

Kailan magpupunta sa doktor

Kung ang rash ay hindi gumagaling o nagiging mas malala pa matapos ang ilang araw, dapat na magpunta sa doktor upang siguraduhing ito ay hindi isang bacterial infection o di kaya’y sintomas ng ibang sakit.

Mahalagang sumangguni agad sa doktor kung may:

  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Pagduduwal
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka

Ilang kondisyong kamukha lamang ng miliaria

  • Folliculitis - Isang bacterial infection ng balat na karaniwang may kasamang "staph".
  • Acne
  • Eczema
  • Allergy
  • Reaksyon sa medikasyon o drug eruption
  • Grover's disease (tinatawag din na transient acantholytic dermatosis) - Nagiging sanhi ng makating butlig sa tiyan at dibdib na lumala sa init.
  • Niacin medication - Sanhi ng pansamantalang pamumula ng katawan na animo’y bungang arawna nawawala din naman matapos ang ilang oras.

Pag-iwas

  • Pagsuot ng magaan, malamig, at maluwang na damit na gawa sa mga telang tulad ng cotton at pag-iwas sa polyesters at nylon.
  • Pag-iwas sa baby powder o lotion para sa mga bata.
  • Pagpapanatiling komportable ang temperatura ng silid gamit ang mga bentilador o aircon.
  • Pagpapanatiling tuyo at di naiinitan ang mga sanggol at bata.
  • Pagpunas ng pisngi at mukha ng sanggol upang malinis ang laway na maaaring maging sanhi ng bungang araw.
  • Pagbabago ng posisyon ng mga mga nakaratay sa kama o naka-wheelchair upang maiwasan ang pagbababad sa pawis ng kanilang balat.
  • Pag-iwas sa pagbibilad sa mainit o mahalumigmig na lugar.
  • Paghugas o pagligo ng ilang beses sa isang araw at lalo na matapos ang pag-ehersisyo, matagal na paglalakad, o pagkabilad sa araw.
  • Pananatili sa isang malamig na lugar at pagbibigay ng sapat na bentilasyon ang balat.
  • Pag-iwas sa pagdidikit ng balat na madalas magpawis sa pamamagitan ng paglalagay ng isang malinis na tuwalya o tela.
  • Pag-iwas sa paglalagay ng langis, baselina, o makakapal na creams sa balat.
  • Pag-iwas sa pagkamot, paghilod, o pagkuskos ng balat upang alisin ang bungang araw.
  • Pag-iwas sa pagligo sa mainit na bathtub, sauna, o jacuzzi.

Sanggunian