Motion sickness

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Motion sickness.jpg

Ang motion sickness o pagkahilo sa biyahe ay karaniwang problema na nararanasan ng mga pasahero ng bus, jeep, sasakyang panghimpapawid, sasakyang pandagat, o kahit sa pagsakay ng roller coaster at kahit ano pa mang sasakyang umaandar. Kahit na ang pinakasanay at bihasang piloto o mandaragat ay nakakaranas nito.

Ito ay madalas nailalarawang nakapapagpaalibadbad at nakababalisa habang nasa biyahe. Ang motion sickness ay dulot ng pagkalito ng utak hudyat ng salungat na mensahe na inihahatid ng mga nakikita ng mata at mga mensaheng nararamdaman. Ito ay ayon kay Robert M. Stern , isang doktor at tagasaliksik sa pagkahilo at pagkaduwal para sa US National Aeronautics and Space Administration o NASA .

Mga sintomas at sanhi

Halimbawa, kapag ang isang pasahero ay nakaupo sa likod ng kotse at ang kanyang mga mata ay nakatutok sa upuan sa harap, ang mga mata niya ay nagbibigay mensahe sa utak na hindi siya umaandar o gumagalaw. Sa kabilang banda, ang isang bahagi ng inner ear naman ay iba ang sinasabi. Maaari ring nararamdaman ng pasahero ang mga lubak sa daan o naaamoy ang singaw ng gasolina. Sa madaling salita, ang kamalayan ng pasahero ay sinasabi na siya ay umaandar. Ang pagkakasalungat ng mga mensaheng ito ay nagdudulot ng motion sickness o pagkahilo.

Kapag malubha ang motion sickness, ang pasahero ay labis ang pagkabalisa, nagsusuka, sumasakit ang ulo, at labis ang pagkahilo. Sintomas naman ng mild motion sickness ang sakit ng ulo at pangkalahatang pagkalugami. Ang pagkahilo ay biglaan at walang hudyat. Magsisimulang magpapawis ng malamig ang pasahero hanggang siya ay magsuka.

Pangunahing lunas sa pagkahilo

Sadyang may mga tao na madaling tablan ng motion sickness. Ito ay madaling iwasan sa pamamagitan ng pagpaplano bago pa man bumiyahe. Bago bumiyahe, ipa-reserba ang mga upuan na matatagpuan sa mga bahagi ng sasakyan na hindi gaano nararamdaman ang pag-andar:

  • Sa sasakyang pangdagat – Humingi ng upuan sa bandang harap o gitna ng cabin o sa upper deck.
  • Sa sasakyang panghimpapawid – Humingi ng upuan sa harap na baybay ng pakpak ng eroplano. Kapag nakasakay na, itapat ang hangin na lumalabas sa pasingawan sa mukha.
  • Sa tren – Umupo sa harapan na malapit sa bintana at humarap pasulong.
  • Sa kotse o bus – Magmaneho o umupo sa harapan.

Kapag ikaw ay madalas makaranas ng motion sickness, tandaan ang mga sumusunod habang nasa biyahe:

  1. Tititigan ang abot-tanaw o umingin sa bagay na hindi gumagalaw. Huwag magbasa.
  2. Huwag hintulutang gumalaw ang ulo kapag nasa sandalan.
  3. Iwasang manigarilyo o umupo katabi ng mga naninigarilyo.
  4. Iwasang kumain ng mga pagkaing maaanghang at mamantika o kumain ng labis. Huwag uminom ng alkohol.
  5. Kumain ng biskwit kung nahihilo.
  6. Uminom ng gamot na meclizine isa o dalawang oras bago bumiyahe.

Sanggunian