Mukha

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang mukha o face ay bahagi ng ulo na nasasaklawan ang ilong, bibig, mata, kilay, pisngi, labi, bibig, ngipin, baba at noo. Ito ay itinuturing na larawan ng nararamdaman at minumungkahi ng isang tao; ang batayan ng pisikal na kagandahan; at dito rin lumalabas ang sintomas ng iba’t-ibang sakit.

Contents

Kalamnan ng mukha

Sa kalamnan ng mukha nakasalalay ang paggalaw ng iba’t-ibang parte nito na bumubuo ng samu’t saring pagpapahayag ng nararamdaman. Ang mga kalamnan na ito ay tinatawag din na facial o mimetic muscles na kinokontrol ng facial nerve.

Pagpapahayag ng nararamdaman

Bawat disposisyon ng isang tao ay naghahayag ng tiyak na mga ekspresyon. Ang tao ay nakangiti kapag masaya, nakasimangot o nakakunot ang noo kapag naiinis, nanlalaki ang butas ng ilong kapag galit, at marami pang iba.

Mga karamdaman na nagpapakita ng sintomas sa mukha

  1. Lupus – Madalas na may sintomas na malar rash o pantal na hugis paruparo na sumasaklaw sa ilong at pisngi. Maaari itong lumala kapag naarawan.
  2. Trigeminal neuralgia – Ito ay nagdudulot ng pasumpong-sumpong na sakit sa mukha na maaring magdulot ng paghihirap sa pagkain o pag-ngiti.
  3. Temperomandibular joint disorder – Hindi maayos na kalagayan ng parte ng mukha na nasa harap ng tenga kung saan nagtatagpo ang upper at lower jaw, maaaring dahil sa bali. Ang kundisyong ito ay nagdudulot ng pananakit ng mukha, lock jaw, pagtunog ng baba, sakit ng ulo at tenga, at problema sa pagkagat.
  4. Lyme disease – Isa sa mga sintomas nito ang pagkamanhid ng mukha at likod ng ulo.
  5. Bell’s palsy – Sanhi ng pagkasira ng facial nervena nagdudulot ng simpleng panghihina hanggang sa pahapyaw na pagkaparalisa ng buomg mukha. Ilan pa sa mga sintomas ay ang pagkibot ng mukha, paglundo ng talukap ng mga mata at gilid ng bibig, paglalaway, pagkatuyo ng mata o bibig, kawalan ng panlasa at labis na pagluluha ng isang mata.

Sanggunian