Piyo

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Gouty inflammation.jpg

Ang piyo o gout ay isang uri ng rayuma. Nangyayari ito kapag ang uric acid ay nabuo sa dugo at nagsasanhi ng pamamaga ng kasukasuan. Ang uric acid ay produkto ng purines na makikita sa maraming pagkain at inumin tulad ng atay, bagoong, mackerel, dried beans, gisantes, serbesa, at alak.

Ang piyo ay karaniwan para sa mga lalaking may edad na 40 hanggang 50.

Contents

Uri

  • Acute gout – Masakit na kondisyon na karaniwang nakakaapekto sa isang kasukasuan.
  • Chronic gout – Ang paulit-ulit na pananakit at pamamaga sa isa o higit pang mga kasukasuan.

Sanhi

Sa karaniwan, ang uric acid ay kayang mabuwag sa dugo na ipinapasa sa pamamagitan ng bato sa loob ng ihi. Ngunit ang katawan ay gumagawa ng labis-labis na uric acid o kung minsa’y sobrang kaunti ang uric acid na inilalabas ng bato. Kapag nangyari ito, maaaring mabuo ang matulis at tila karayom na urate crystals sa kasukasuan na sanhi ng sakit, pamamaga at pamumula nito. Gayunpaman, ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon ng piyo ay hindi pa kilala.

Palantadaan at sintomas

Ang acute gout ay bigla-biglang nangyayari na malimit ay sa gabi at walang babala. Kabilang sa mga palatandaan at sintomas nito ay:

  • Matinding pananakit ng kasukasuan sa loob ng unang 12 hanggang 24 na oras pagkatapos na ito ay magsimula. Ang sintomas ay karaniwang nagsasangkot ng isa o ilang mga kasukasuan, kabilang ang malaking daliri sa paa (hallux), bukung-bukong, tuhod, kamay at galanggalangan (wrist).
  • Biglaang pananakit na madalas ay inilalarawan bilang mabilis o malakas na pagtibok, pagdurog, o masakit na masakit na pakiramdam.
  • Ang kasukasuan ay lumilitaw na mainit at mapula at karaniwang malambot.
  • Ang pag-atake ay maaaring mawala pagkatapos ng ilang araw, ngunit maaari ring magbalik kung minsan.
  • Maaaring may lagnat.

Ang unang pag-atake ng piyo ay walang sintomas. Sa kabilang banda, ang kalahati ng mga pasyente ay maaaring magkaroon ng isa pang pag-atake.

Panganib

Mas malaki ang tsansa na mabuo ang piyo kung may mataas na antas ng uric acid sa katawan. Ilan sa mga kadahilanan ng pagtaas ng uric acid ay ang:

  • Mga babaeng katatapos lang mag-menopause.
  • Mga umiinom ng alak o labis na pag-inom ng alak.
  • Mga umiinom ng gamot tulad ng hydrochlorothiazide, thiazide diuretics, mababang dosis ng aspirin, anti-rejection drugs (mga pang-araw-araw na gamot na iniinom ng mga pasyenteng nagpa-transplant upang maiwasan ang pagtanggi ng organ), at iba pang water pills.
  • May kasaysayan ng sakit na piyo sa pamilya.

Maaari ring mabuo ang piyo sa mga taong may karamdaman, tulad ng:

Maaari itong mangyari matapos ang pag-inom ng gamot na nakakasagabal sa pagtanggal ng uric acid sa katawan.

Posibleng komplikasyon

Ang mga pasyenteng may piyo ay maaaring bumuo ng mas malubhang kondisyon, tulad ng:

  • Tophi – Bukol sa ilalim ng balat sa paligid ng kasukasuan o sa iba pang mga lugar tulad ng daliri sa kamay, kamay, paa, siko, at Achilles’ tendon. Ang piyo na hindi pa ginagamot ay maaaring magsanhi ng pagdeposito ng urate crystals dahilan upang mabuo ang tophi.
  • Kidney stone – Ang urate crystals ay maaaring magtipon sa urinary tract ng mga taong may piyo na nagiging sanhi ng kidney stones.
  • Ang mga pasyenteng may talamak na sakit sa buto ay maaaring magkaroon ng pinsala at tuluyang pagkaparalisa ng mga kasukasuan.

Pagsusuri

Kabilang sa mga pagsusuri na maaaring gawin ay ang sumusunod:

  • Joint fluid analysis – Isang paraan upang makita kung mayroong uric acid crystals.
  • Arthrocentesis – Maaaring makatulong na paginhawain ang namamaga at masakit na mga kasukasuan. Dito, gumagamit ng sterile needle at hiringgilya (syringe) upang ubusin ang fluid sa kasukasuan. Kilala rin sa tawag na joint aspiration.
  • X-ray – Minsang kapaki-pakinabang sa huling yugto ng sakit na piyo.

Paalala

Agad na humingi ng medikal na pangangalaga kung may lagnat at ang kasukasuan ay mainit at namamaga, na maaaring palatandaan ng isang impeksyon.

Sanggunian

  • "Gout." PubMed Health. (Hinango noong Abril 15, 2012)
  • "Gout." MayoClinic.com. (Hinango noong Abril 15, 2012)