Pyorrhea

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Graphics 96C.jpg

Ito ay sakit sa gilagid. Ang pamumula, pamamaga, pagkirot, at madaling pagdurugo ng gilagid ay sanhi ng:

  • Hindi paglilinis na mabuti o madalang na paglilinis ng gilagid.
  • Kakulangan sa masustansiyang pagkain (malnutrisyon).




Pag-iingat at paggamot:

  • Sepilyuhing mabuti at alisan ng tinga ang ngipin tuwing matapos kumain. Hangga't maaari, kuskusin din ang naninilaw na kalawang (tartar) sa sugpungan ng ngipin at gilagid. Pagkatapos, magmumog ng tubig na maligamgam at may asin.
  • Kumain ng itlog, karne, beans berdeng-berdeng gulay at prutas tulad ng dalandan, kalamansi, at kamatis na pawang mayaman sa bitamina at nakapagpapatibay ng ngipin. Iwasan ang matatamis, malalagkit at iba pang pagkaing sumisingit sa mga siwang ng ngipin.


Paalala: Kung minsan, ang gamot sa sumpong (epilepsiya) ay nagiging sanhi ng pamamaga at panghihina ng gilagid. Kapag nagkaganito, komunsulta sa health worker at pumili ng ibang gamot.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 30 Abril 2010).