Regla

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Sistemang reproduktibo ng isang babae.

Ang regla ay ang buwanang pagdurugo ng isang babae. Sa bawat buwan, ang katawan ng babae ay naghahanda sa pagbubuntis. Kung walang nangyaring pagbubuntis, ang matris ay nagtatangal ng kanyang aporo at ang dugo mula sa regla ay pinagsamang dugo at tisyu mula sa loob ng matris. Ito ay dumadaan palabas ng katawan mula sa puki. Ang regla ay karaniwang nagsisimula sa edad na 12 at nagpapatuloy hanggang makaranas ang babae ng menopause sa bandang edad na 51. Ang regla ay nagtatagal mula tatlo hangang limang araw.

Sa bawat pagsapit ng buwan, dumadating ang regla. Ang pagkakaroon ng normal na siklo ng regla ay isang senyales na ang mga mahahalagang parte ng katawan ng isang babae ay normal na nakakagawa ng kanilang tungkulin. Ang siklo ng regla ay nagbibigay ng mga imporanteng hormone upang panatiliing malusog ang katawan ng isang babae. Binibilang ang siklo ng regla mula sa unang araw ng regla hangang sa unang araw ng sumunod na regla. Mayroong 28 na araw ang karaniwang sirkulo ng regla ngunit maaari itong tumagal mula 21 hangang 45 araw. Ang pagtaas at pagbagsak ng antas ng hormone sa bawat buwan ay nakakaapekto sa tagal ng siklong ito.

Contents

Senyales at sintomas

Ang mga senyales at sintomas bago dumating ang regla ay natural na parte ng siklo nito. Nakakaapekto ito sa karamihan ng mga babae sa ilang yugto ng kanilang buhay. Mayroon namang mga babae na hindi nakakaranas ng kahit anong senyales. Kapag ang isang babae ay nakakaranas ng isa o higit na mahina hangang katamtamang sintomas bago dumating ang regla na nakakaabala na sa trabaho, relasyon sa kapwa, o pakiramdam ng kaginhawaan, tinuturing na itong itong premenstrual syndrome (PMS). Ang mga sumusunod ay senyales at sintomas ng PMS:

  1. Pisikal na sintomas:
    • Pagiging sensitibo ng suso.
    • Pamamaga, pagbinbin ng tubig sa katawan, at pagdagdag ng timbang.
    • Pagbabago ng bowel movement.
    • Pagkakaroon ng tighiyawat.
    • Paglabas ng likido sa utong kapag naiipit ang suso.
    • Pagnanasa sa ilang mga matatamis at maaalat na pagkain.
    • Pagbabago sa oras ng pagtulog.
    • Pagkapagod at kawalan ng enerhiya.
    • Pagbaba ng pagnanasang makipagtalik.
    • Pananakit ng iban’t ibang parte ng katawan tulad ng ulo, suso, kalamnan, kasukasuan, o bandang ibabang likuran.
    • Pagkakaroon ng pulikat.
  2. Pagbabago sa ugali:
    • Pagiging agresibo.
    • Nais magsarili at umiwas sa pamilya at mga kaibigan
  3. Mga nakakaapekto sa emosyon at isipan:
    • Pagiging malungkot.
    • Pakiramdam na walang pag-asa.
    • Pagiging mainitin ang ulo.
    • Pagkabagabag
    • Kawalan ng konsenstrasyon sa Gawain.

Mga kondisyong may kinalaman sa regla

Ang mga babae ay maaari makaranas ng ilang mga problema tulad ng mga sumusunod:

Amenorrhea

Ang amenorrhea ay inilalarawan bilang (a) hindi pagdating ng buwanang dalaw maging sa pagsapit ng edad na 15; o (b) hindi pagdating ng regla sa loob ng 90 na araw.

Posibleng sanhi ng amenorrhea ang mga sumusunod:

  • Pagpapasuso sa sanggol.
  • Sobrang pagbabawas ng timbang.
  • Eating disorders
  • Pagiging balisa.
  • Seryosong medikal na kondisyon na nangangailangan ng gamutan.

Ang hindi pagkakaroon ng regla ay maaaring senyales na ang mga obaryo ay huminto sa paggawa ng normal na dami ng estrogen. Ang hindi pagkakaroon ng tamang estrogen sa katawan ay maaring maging sanhi ng polycystic ovary syndrome (PCOS) o seryosong problema sa sistemang reproduktibo.

Dysmenorrhea

Ang dysmenorrhea sa panahon ng regal ay nagdudulot ng matinding pananakit ng puson. Sa mga teenager, ang sakit ay maaaring sanhi ng sobrang prostaglandin sa katawan ngunit, sa mas nakakatandang mga babae, ang pananakit ay maaaring sanhi ng uterine fibroids o endometriosis.

Abnormal na pagdurugo ng matris

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng abnormal na pagdurugo ng matris:

  • Pagdurugo sa kalagitnaan ng siklo ng regla.
  • Pagdurugo pagkatapos ng pagtatalik.
  • Spotting sa kahit anong panahon sa loob ng siklo ng regla
  • Labis o mas mahabang panahon ng pagdurugo
  • Pagdurugo pagkatapos ng menopause.

Pinapayuhan ang mga babaeng nakakaranas ng abnormal na pagdurugo na magpa-konsulta sa doktor. May mga problema sa regla na hindi seryoso at madaling gamutim. Ang pagamot dito ay magiging depende sa sanhi ng pagdurugo.

Pinapayuhan din ang mga babae na may iregular na siklo ng reglamagpa-konsulta sa doktor upang matiyak na walang seryosong problema sa kalusugan tulad ng uterine fibroids, polyps o kanser.

Pag-iwas at lunas sa pananakit ng puson sa panahon ng regla

Maaaring maiwasan o mabawasan ang pananakit ng puson sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Pag-eehersisyo upang pabutihin ang sirkulasyon ng dugo at oxygen sa buong katawan.
  • Pagpapatong ng heating pad o boteng may mainit na tubig sa puson.
  • Pag-iwas sa paggamit ng tampons.
  • Pag-iwas sa pagkain ng pulang karne, putting asukal, gatas, at matatabang pagkain.
  • Kumain ng madaming gulay, whole grains, mani, buto at prutas.


Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.