Semilya

From Wikihealth
Revision as of 17:28, 21 April 2012 by Redram (Talk | contribs)

(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search
Human semen in petri dish.jpg

Ang semilya ay ang mala-ulap sa puti na likido ng katawan na inilalabas mula sa urethra, ang tubo sa loob ng titi, tuwing nagkakaroon ng ejaculation. Karamihan ng likido ng semilya ay mula sa mga likidong nalilikha ng mga bahagi ng organong pampa-anak ng mga lalake.

Ang semilya ay mayroong mga citric acid, amino acid, fructose, mga enzymes, phosphorylcholine, prostaglandin, potassium at zinc. Ang karaniwang dami ng semilya sa isang pagbulalas ay nasa pagitan ng 2 hanggang 5 mL. Ngunit, ang semilyang mula sa isang pagbulalas ay mayroong 40 milyon hanggang 600 milyong tamod (spermatozoa), depende sa dami ng inilabas at tagal ng oras mula sa unang pagbulalas.

Contents

Pinanggagalingan

Bayag at epididymis

Ang spermatozoa ay nililikha ng mga bayag sa loob ng 70 araw. Ang isang tamod o esperma ay tinatawag na spermatogonium. Ang spermatogonium ay nahahati upang maging spermatocytes, na sa kalaunan ay magiging spermatid. Ang mga spermatid ay naman ay nagkakaroon ng buntot at sa kalaunan, ang selyulang ito ay makakagalaw na sa pamamagitan ng kanyang buntot. Ang spermatid ay magiging ganap na spermatozoa at ang buong proseso na ito ay 60 araw. Sa susunod na 10 hanggang 14 na araw, ang esperm ay dadaan na sa mga tubo ng mga bayag at ng epididymis. Sa mga epididymis mananatili ang isang ganap na esperm hanggang ito ay mailabas ng titi.

Seminal vesicle

Ang mga seminal vesicle ang gumagawa ng karamihan ng semilya. Ang nilalabas ng mga seminal vesicles ay mayaman sa fructose, na mahalagang sustansya para sa spermatozoa. Dito rin nalilikha ang pangunahing sangkap ng semilya upang ito ay maging malagkit at madikit. Ang sangkap na ito ng semilya na nagpapalagkit ay mahalaga upang kumapit sa loob ng matris ng babae.

Glandulang prostate

Ang inilalabas na likido ng glandulang prostate ay mayroong iba’t ibang kemikal, at isa na dito ay ang prostate specific antigen (PSA). Ang PSA ay isang uri ng enzyme na tinatawag na coagulase. Ang pangunahing tungkulin ng PSA ay ang palabnawin ang semilya, upang ang spermatozoa ay maaring makaalis sa semilya, lumangoy paloob at punlaan ang itlog ng babae.

Glandulang bulbourethral at glandulang urethral

Ang likidong inilalabas ng mga glandulang ito ang nagpapadulas sa tubo ng lalake, at maaari rin itong magtaglay nga mga anti-body na pumapatay sa esperma. Ang mga anti-body na ito ay nakakapigil sa tamang paggalaw ng spermatozoa at sa pagpunlay sa itlog ng babae.

Semilya bilang indikasyon ng kalusugan

Ang semilya ay maaaring maging indikasyon ng kalusugan ng lalake. Maaaring malaman ng lalake ang kanyang kalusugang sekswal sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga pisikal na katangian ng kanyang semilya.

Malusog na semilya

Ang malusog na semilya ay madalas na mala-ulap ang pagkaputi ang kulay at malapot. Sa loob ng 30 minuto, dapat ito ay maging malabnaw at mawawalan ng kulay. Ang pagkalapot at at pagkalabnaw ng semilya ay mahalaga sa pagkakaroon ng anak. Ang amoy ng chlorine ng semilya ay normal. Ang lasa ng semilya ay manamis-namis dahil sa dami ng fructose nito. Maari ring mag-iba ang lasa ng semilya at maaring nakakaapekto ang diyeta ng isang lalake.

Hindi malusog na semilya

Ang mga sumusunod ay mga indikasyon ng hindi malusog na semilya:

  • Kaunting inilalabas na semilya - Ang pagkakaunti ng semilyang nailalabas tuwing ejaculation ay maaring dahil sa mbalakid sa daluyan ng semilya o sa isa sa mga seminal vesicle. Ito ay maaari ring indikasyon din ng isang retrograde ejacuation kung saan ang ang semilya ay nailalabas sa pantog imbes na palabas sa titi. Ito ay maaring palatandaan ng isang impeksyon sa glandulang prostate, diabetes o nang kakatapos lamang na operasyon sa prostate.
  • Makapal at namumuong semilya - Ang semilya ay hindi pangkaraniwan ang lapot o kapal tuwing ang katawan ng lalake ay kulang sa tubig, ngunit ito ay panandalian lamang. Kapag ang kakaibang kapal o namumuong semilya ay tumagal nang dalawa hanggang tatlong linggo, dapat nang magpasuri ang lalake sa isang espesyalista.
  • Mapula o kayumangging semilya - Ang semilyang mapula o kayumanggi ay maaaring resulta ng pumutok na ugat sa prostate. Ito ay maaaring mangyari kahit sa karaniwang pagpapalabas at, sa loob ng isa o dalawang araw, ang semilya ay dapat manumbalik sa tunay na kulay nito. Kapag mapula o kayumanggi pa din ang semilya sa mga sumusunod pang araw, kailangan nang magpasuri sa espesyalista. Ang madalas na pagdurugo sa semilya ay maaaring indikasyon ng impeksyon, trauma o kaya ay kanser.
  • Dilaw o luntiang semilya - Kapag ang semilya ay masyadong dilaw o luntian ang kulay, ito ay nangangahulugan ng impeksyon, at maaaring gonorrhea. Dapat na magtungo sa isang espesyalista ang lalakeng may gonorrhea. Mahalaga na magamot ito ng mga antibiyotiko na nireseta ng doktor.
  • Mabahong semilya - Ang mabaho o mapanghing semilya ay madalas na sintomas ng isang impeksyon. Mainam na magpasuri agad sa doktor upang malaman ang tunay na sitwasyon ng prostate.

Pagpaparami ng semilya

Maraming naidudulot na benepisyo ang madaming semilya. Una, ang madaming semilya ay nakakapagpadagdag ng ligaya tuwing pagpapalabas. Ang madaming semilya ay may mas matagal at matinding sukdulan tuwing nakikipagtalik. At higit sa lahat, ang madaming semilya ay nangangahulugan nang mas malaking pagkakataong makabuo ng anak. Ang mga sumusunod ay dapat sundin upang magkarooon ng madaming semilya.

  • Kumain ng tama - Upang mapadami ang semilya, siguraduhing kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at kaunti ang taba. Kumain ng mga patani, mani, at mga gulay. Ang karne, itlog at gatas ay mayaman din sa protina ngunit mayaman din sa taba. Mas mainam na kumain ng mga gulay na madaming protina.
  • Uminom ng maraming tubig – 98% ng semilya ay gawa sa tubig. Ibig sabihin, kapag kulang sa tubig ang lalaki, hindi niya maaabot ang pinakamataas na bilang o dami nang semilya na maaari niyang malikha. Uminom ng 64 onsa ng tubig o katumbas ng 6 na baso ng tubig kada araw. Damihan pa ang pag-inom kung madalas na nagpapawis o nagtatrabaho sa labas. Iwasan ang inuming nakakabawas ng tubig sa katawan gaya ng alak at kape.
  • Maglaan ng sapat na oras - Ang katawan ng lalake ay nakakalikha ng napakaraming semilya sa loob ng 24 hanggang 36 na oras. Pagkatapos ng oras na iyon, gagamitin na lamang muli ng bayag ang mga hindi nagamit na semilya. Ibig sabihin, ang unang pagpapalabas sa isang araw ang siyang may pinakamaraming semilya.
  • Mag-ehersisyo - Ang mga ehersisyong kardiobaskular ay maganda sa sirkulasyon ng dugo sa buong katawan. Ang magandang sirkulasyon ng dugo ay nakakadagdag sa pagpapadami ng semilya. Ang mga ehersisyong nagpapalakas ng kalamnan ay nagpapataas naman ng antas ng testosterone sa katawan. Ang mataas na antas ng testosterone ay nakakadagdag din sa dami ng semilya at ng pagnanasa sa pakikipagtalik.

Sanggunian