Singit

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Human body features2.png
Ang singit o groin ay ang dalawang tupi sa katawan na bagtasan ng torso at mga binti sa magkabila ng pubic area. Kinikilala din ito bilang medial (adductor)compartment ng hita at inguinal area.

Contents

Anyo

Kalamnan

Binubuo ang singit ng kalamnang adductor ng hita. Ito ang mga nagdidikit o naglalapit ng femur at tuhod sa katawan. Mga hugis pamaypay, hinihila nila ang mga binti, pinipirmi ang kasukasuan at kinakabit ang pelvis sa femur.

Ang mga ito ay ang:

Kasama din sa mga kalamnang dumadaan sa singit ang:

Nerbyo at daluyan ng dugo

Ang mga kalamnan ng singit ay dinadaanan ng maraming nerbyo at pangunahing daluyan ng dugo.

Isa ang singit sa mga pinipiling lugar ng mga vascular surgeon sa paglagay ng catheter papasok sa daluyan ng dugo sa katawan. Kabilang sa mga pangunahing daluyan ng dugo na dumadaan sa singit mula sa katawan papuntang mga binti ang:

Nakalagay din sa ilalim ng balat ng singit ang ilang kulani na may mahahalagang tungkulin sa sistemang imyuno.

Mga karaniwang karamdaman

Madalas mapinsala ang singit sa mga gawaing isport. Ngunit posible din itong mangyari dahil sa karamdaman, mga aksidente, karaniwang gawain, o trabaho. Ano pa man ang kadahilanan, itsura o antas ng kirot, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor para maiwasan ang maaaring paglala nito. Kailangang matukoy kung isa itong sintomas ng mas malubhang kundisyong medikal tulad ng:

Mga karamdaman ng mga bata:

Sintomas

  • Pananakit
  • Kahirapan sa paggalaw
  • Pangangati
  • Pamumula
  • Pamamaga
  • Pagdurugo
  • Mga sugat at naknak
  • Panghihina ng mga binti o buong katawan
  • Kirot kung hahawakan o pipisilin
  • Masakit na pag-ihi
  • Mainit sa pakiramdam ang balat o loob mismo ng katawan
  • May lumalabas na kaibang kulay na ihi, dumi, o dugo sa puwerta o puwit.
  • Iba pang sintomas na kasabay sa nararamdamang sa singit.

Pag-aalaga ng singit

  • Mag-inat bago mag-ehersisyo o gumawa ng anumang pisikal.
  • Palitan ang pawisan at maduming damit, lalo na ang pang-ilalim na salawal.
  • Siguraduhing malinis at tuyo lagi ang singit.
  • Lagi ding magsuot ng tuyo at malinis na damit.
  • Maglagay ng medikasyon kung kailangan.
  • Magpatingin agad sa doktor kung may kakaibang nararamdaman.

Sanggunian