Sistemang pandama

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang sistemang pandama ay parte ng sistemang nerbiyos. Ito ang responsable sa pagtukoy ng mga impormasyong nakakalap ng mga bahagi ng katawang nakakadama tulad ng mata, tainga, dila, at ilong. Dinadala ng sistemang ito ang mga nasabing impormasyon sa utak. Naisasakatuparan ito sa tulong ng mga tagatanggap ng sensasyon tulad ng mga dulo ng nerbiyong pandama, mga nerve receptors, at mga bahagi ng utak na may kinalaman sa sensasyon.

Contents

Mga bahagi

Ang pagdama ng sensasyon ay mahahati sa dalawang bahagi - ang pagtanggap at ang pagtukoy nito.

  1. Pagtanggap ng sensasyon (sensory reception) - Ang pagtanggap ng sensasyon mula sa loob at labas ng katawan ay nagiging posible sa tulong ng mga bahagi ng:
  2. Pagtukoy ng sensasyon (sensory perception) - Ang pagtukoy ng mga nadaramang sensasyon ay naiimpluwensyahan ng mga katangian ng bagay na nadarama tulad ng sukat at hugis nito. Gayundin, nakakaapekto sa pagtukoy ng sensasyon ang mga nakaraang kaalaman at karanasan na nauukol sa bagay na ito. Maaari ring makaapekto dito ang bahagi ng utak kung saan ito ay tinutukoy.

Mga karaniwang nararamdaman

Ang mga visceral organ sa buong katawan ang nangangasiwa sa pagdama ng iba't ibang sensasyon sa pamamagitan ng balat, kalamnan, at mga kasukasuan. Kabilang sa mga karaniwang nararamdaman ng katawan ang:

  • Paghipo o pagdampi - Pagkilala sa mga katangian ng isang bagay sa pamamagitan ng paghipo dito.
  • Temperatura - Kung mainit o malamig ang nahahawakang bagay o ang lugar na kinalalagyan.
  • Proprioception - Paggalaw ng mga kamay at paa nang hindi tinitignan tulad nang sa pagmamaneho o sa pagguhit ng larawan.
  • Presyon - Pagkilala sa bigat ng isang bagay.
  • Sakit ng katawan

Mga karamdaman ng sistemang pandama

Pangangalaga sa sistemang pandama

Sa mga mata

  1. Iwasang tumingin ng direkta sa araw o maliwanag na ilaw.
  2. Huwag magbasa sa dilim. Ituwid ang pag-upo at hawakan ang binabasa sa layong 25 hang 30 sentimetro mula sa mga mata.
  3. Huwag manood ng malapitan sa telebisyon gayundin sa pag-kompyuter.
  4. Kapag napuwing, iwasang kusutin ang mata at bagkus ay kumurap ng maraming beses upang maglabas ng luha ang mga mata. Kapag hindi pa rin natanggal ang puwing, subukang hugasan ang mata sa malinis na tubig.
  5. Magpatingin sa espesyalista sa mata kapag nakakaramdam ng pagbabago sa paningin tulad ng panlalabo o pagsakit ng ulo kapag nagbabasa.
  6. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina A.

Sa mga tainga

  1. Iwasang making sa sobrang malalakas na tunog o musika.
  2. Linisin ang panlabas na bahagi tainga gamit ang malambot na tela o bimpo pagkatapos maligo. Hindi kailangang linisin ang loob na bahagi ng tainga gamit ang cotton bud. Gayundin, iwasang magpasok ng mga matutulis na bagay sa tainga tulad ng palito ng posporo o hairpin.
  3. Huwag maglagay ng tubig o mantika sa tainga.
  4. Magpatingin sa espesyalista sa tainga kung makaramdam ng problema sa pandinig o kung may mapansing lumalabas ng likido o luga sa tainga.

Sa balat, ilong, at dila

  1. Maligo araw-araw upang mahugasan ang dumi at mikrobyo sa balat.
  2. Huwag magpasok ng matutulis na bagay sa loob ng ilong.
  3. Huwag kalimutang mag-linis ng dila kapag nag-sesepilyo. Maaaring gumamit ng tongue cleaner.


Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.