Sjogren's syndrome

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang Sjögren's syndrome ay isang autoimmune disorder na umaatake sa glandulang exocrine na gumagawa ng luha at laway. Ipinangalan ang karamdamang ito sa Suwisong optalmologo na si Henrik Sjorgen na unang nakapagtala ng mga sintomas nito. Hindi ito dapat ipagkamali sa karamdamang Sjögren–Larsson syndrome na naitala din ng parehong optalmologo.

Ang pamamaga na sanhi ng pag-atake ng sistemang imyuno sa glandula ay nakakaapekto sa kakayahan nito na maglabas ng likido at mucus ng normal. Apektado ng karamdamang ito ang mga glandulang exocrine sa mata, ilong, bibig, lalamunan, balat, sistemang panunaw, at puki. Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng Sjögren's syndrome ay mga kababaihan at karaniwang nararanasan pagsapit ng edad 40. Gayunman, maaari rin na makaapekto ito sa lahat ng edad. Maari rin itong maranasan ng mga may kapamilya na may ganitong karamdaman at iyong mga may rayuma.

Contents

Uri

  • Primary Sjögren's syndrome – Nararanasan nang walang kaakibat na iba pang autoimmune disorder.
  • Secondary Sjögren's syndrome – Nangyayari ito kasama ng iba pang mga autoimmune disorder tulad ng lupus at rheumatoid arthritis. Ito ay mas malala kaysa sa primary Sjögren’s syndrome.

Sanhi

Ang dahilan ng Sjögren's syndrome ay hindi batid ngunit pinaniniwalaan na ito’y maaaring na-trigger ng isang impeksiyong dulot ng virus. Isinasaalang-alang din ang henetikong kadahilanan.

Sintomas

Ang mga sintomas ng Sjögren's syndrome ay dulot ng abnormal na panunuyo ng mga apektadong glandula at organo sa katawan. Kabilang sa mga sintomas nito ang:

  • Panunuyo ng mga mata – Tuyo, mapula, at makating mata.
  • Panunuyo ng bibig – Nagdudulot ng kahirapan sa paglunok at pagsasalita. Dahilan din ito upang magkaroon ng sugat ang bibig, mabulok ang mga ipin at magkaroon ng impeksyong thrush.
  • Tuyong ubo.
  • Pagbabago sa panlasa.
  • Tuyong ilong na maaaring humantong sa balinguyngoy.
  • Pagkapagod
  • Pananakit ng kasukasuan o kalamnan.
  • Pagkahilo, pagsusuka, heartburn, at iba pang mga problema sa sistemang panunaw.
  • Pamamanhid at pagpapanting sa mukha, daliri ng kamay at paa.
  • Problema sa konsentrasyon at alaala.
  • Pantal sa balat.
  • Panunuyo ng puki at pananakit ng ari kapag nagtatalik.

Samantala, ang mga sintomas na ito ay maaaring magpahiwatig ng malubhang mga kondisyon:

  • Nabawasan ang pag-ihi.
  • Pananakit o sugat sa mata.
  • Mataas na lagnat (mataas pa sa 101 degrees Fahrenheit).
  • Malubhang pananakit ng tiyan.
  • Namamagang kulani.
  • Basa at maluwag na pag-ubo na may dilaw, berde, o puting plema.
  • Paninilaw ng balat at pamumuti ng mata o jaundice.

Paggamot

Ang Sjögren's syndrome ay wala pang lunas ngunit posibleng mabawasan ang mga sintomas at panganib ng komplikasyon sa maagang pagkilala at paggamot nito. Ang lunas ay depende sa kalubhaan at iba pang mga kadahilanan.

  • Artipisyal na luha upang makatulong na papagbawahin ang tuyong mata.
  • Wastong kalinisan ng bibig, regular na pagpapatingin sa dentista, at pagpapalinis ng ngipin tatlong beses kada isang taon.
  • Pag-inom ng immunosuppressant na mga gamot upang mabawasan ang pamamaga at malabanan ang pag-atake ng sistemang imyuno.
  • Pag-inom ng NSAIDs tulad ng ibuprofen at aspirin na pumipigil sa pananakit ng kasukasuan at kalamnan.
  • Pagtitistis upang isara ang tear duct kung saan dumadaan ang luha ng mata.

Komplikasyon

Sa ilang mga kaso, ang Sjögren's syndrome ay maaaring humantong sa:

Sanggunian

Pagkilala

Wikihealth cit.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiHealth sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.