Tonsillitis

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Tonsillitis.jpg
Ang tonsillitis ay ang pamamaga ng tonsils. Karamihan sa mga kaso ng tonsillitis ay nawawala kahit hindi gamitan ng lunas na antibiotic.

Contents

Sintomas

Ilan sa mga palatandaan na namamaga ang tonsils ay ang sumusunod:

Sanhi at panganib

Ang karaniwang sanhi ng tonsillitis ay viral infection. Samantala ang bacterial tonsillitis naman ay sanhi ng Streptococcus pyogenes, isang uri ng microorganism na nagdudulot ng strep throat.

Nasa 30% ng tonsillitis na nararanasan ng mga bata ay dahil sa strep throat habang 10% naman ng tonsillitis na nararanasan ng mga matatanda ang hinahatid nito.

Pagsusuri

Titignan ng doktor ang loob ng bibig at lalamunan upang makita kung may namamagang tonsils. Madalas hinahanap ang mga palatandaan na mapulang tonsils na may bakas na puting spots . Ang lymph nodes sa panga at leeg ay maaaring namamaga at maselan kung hawakan. Ang mga tests na maaaring ipagawa sa pasyente ay ang sumusunod:

Lunas

  • Virus ang madalas sanhi ng sore throat kung kaya’t hindi parating kailangan uminom ng antibiotics.
  • Ang penicillin ang malimit na inireresetang klase na antibiotics. Ang gamot ay maaaring ibigay sa pasyente sa pamamagitan ng singe-dose injection.
  • Maaari ring bigyan ang pasyente ng reseta para sa oral antibiotics.
  • Kung sakasakaling may allergy ang taong may tonsillitis sa penicillin, maaari siyang resetahan ng erythromycin. Ang oral antibiotics ay maaring ibigay mula 10-14 na araw. Tandaan lamang na importanteng makumpleto ang pag-inom na gamot na iniriseta kahit na mawala ang mga sintomas at gumaling ang pakiramdam ng pasyente. Ang pagtapos ng buong course ng antibiotics ay nakakatulong upang maiwasan ang malubhang komplikasyon tulad ng rheumatic fever.
  • Ang pananakit ng lalamunan at lagnat ay maaaring pabutihin ng mga gamot tulad ng ibuprofen o acetaminophen.
  • Uminom parati ng maraming fluids upang maiwasan ang dehydration.
  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin (1 kutsaritang asin sa 8 oz na maligamgam na tubig) upang gumaan ang namamagang lalamunan o sore throat. Magmumog ng ilang beses sa isang araw.

Posibleng komplikasyon

Ang mga sumusunod ay maaaring maging complikasyon ng tonsillitis:

  • Baradong airway dahil sa namamagang tonsils
  • Dehydration dahil sa kahirapan sa paglunok ng fluids
  • Kidney failure o hindi pagana ng kidney
  • Peritonsillar abscess or abscess sa ibang parte ng lalamunan
  • Pharyngitis
  • Post-streptococcal glomerulonephritis
  • Rheumatic fever kung saan pwedeng maapektuhan ang puso makalipas ang ilang taon
  • Ibang sakit na may kinalaman sa cardiovascular disorders

Pag-iwas

  • Ugaliing maghugas parati ng mga kamay para maiwasan ang pagkalat ng virus o bacteria na maaaring magdulot ng tonsillitis.
  • Iwasan ang makihalubilo ng matagal sa mga taong mayroong strep throat hangang 24 hours pagkatapos magsimula uminom ng antibiotics.

Sa Pilipinas

Sa Pilipinas ginagamit ang mga sumusunod na halaman bilang natural na gamot panlaban sa sintomas ng tonsillitis:

  • Luya – Hugasan at balatan ang isang maliit na piraso ng luya. Nguyain ng dahan-dahan ang luya ng ilang minuto. Lulunin ang katas nito.
  • Sabila – Hugasan ang dahon ng sabila at putulin ng pira-piraso na may sukat na ½ inch. Nguyain at lulunin ang katas nito.
  • Bawang – Hugasan at balatan ang isang kapirasong bawang. Nguyain ng dahan-dahan at lulunin ang katas.

Sanggunian