Tuberkulosis sa Balat o Bukol

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Ang mikrobyong nagiging dahilan ng tuberkulosis sa baga ay maaari ring maging sanhi ng walang pananakit na impeksiyon sa balat tulad ng:
Graphics 76.jpg

Likas sa tuberkulosis sa balat na mabuo nang dahan-dahan, tumagal nang mahabang panahon, at muling sumulpot pagkaraan ng ilang buwan o taon.

Ang mikrobyong ito magkaminsan ang dahilan ng impeksiyon ng bukol sa leeg o sa may pagitan ng leeg at balikat. Bumubukol ang balat at paulit-ulit na nabubusdi ang nana, naghihilom at muling nabubusdi. Karaniwang walang kirot ang sakit na ito.
Graphics 79.jpg


Paggamot:

Para sa paulit-ulit na singaw, ulser, o kulani, makabubuting humingi ng payo sa doktor. Maaaring kailangang suriin ito. Di-naiiba ang paggamot sa tuberkulosis sa balat at sa baga. Upang huwag magpaulit-ulit ang impeksiyon, ipagpatuloy ang paggamot sa loob ng ilang buwan kahit magaling na ang balat.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 29 Abril 2010).

Kategorya:Sakit