Ubo

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang ubo ay hindi isang sakit kundi palatandaan lamang ng iba't ibang sakit na may kinalaman sa lalamunan, baga, o bronchi (mga tubong dinadaanan ng hangin sa baga)


Contents

Narito ang ilang problemang pinagmumulan ng iba't ibang klase ng ubo:

Tuyong ubo: may kaunti o walang plema:

  • sipon o trangkaso
  • bulate—kapag dumaraan sa baga
  • tigdas
  • ubo dahil sa paninigarilyo

Ubo na may kaunti o maraming plema:

Ubong may hagok at hingal o problema sa paghinga:

Pabalik-balik o matinding ubo:

  • tuberkulosis
  • ubo dahil sa paninigarilyo
  • hika (pabalik-balik na sumpong)
  • pabalik-balik na brongkitis
  • emphysema (paulit-ulit na hika o brongkitis)

Ubong may kasamang dugo:

  • tuberkulosis
  • pulmonya (dilaw, berde, o may dugong plema)
  • malubhang impeksiyon ng bulate


Ang pag-ubo ay isang paraan ng katawan para linisin ang dinadaanan ng hininga para maalis ang mga plema at mikrobyong nasa lalamunan at baga. Kaya kung may plemang lumabas kapag umubo, huwag uminom ng gamot para ito pigilin. Sa halip, gumawa ng ibang paraan para mapalambot ang inyong plema.


Paggamot sa ubo:

Graphics 135.jpg
  • Para mapalambot ang plema at maging maginhawa ang pag-ubo, uminom ng maraming tubig. May mahusay ito kaysa anumang sagot. (Gayunman, makatutulong din ang potassium iodide.

Lumanghap din ng singaw ng mainit na tubig. Umupo sa harap ng isang balde ng mainit na tubig. Sukluban ng kumot ang ulo at ang balde upang malanghap ang singaw. Huminga nang malalim sa loob ng 15 minuto. Gawin ito nang kung ilang beses isang araw. Ang iba ay naghahalo ng mint o dahon ng eucalyptus o Vaporub sa mainit na tubig pero pareho rin ang epekto kahit wala ang mga ito.

  • Para sa lahat ng klase ng ubo, lalo na sa tuyong ubo, maaaring ibigay ang sumusunod na sirup:

Paghaluin: 1 bahagi ng pulot-pukyutan + 1 bahagi ng katas ng dayap + 1 bahagi ng hinebra o rum.
Uminom ng isang kutsarita nito tuwing 2 o 3 oras. Para sa mga bata, o mga taong nahihirapan sa paghinga, huwag hahaluan ng alak.

Graphics 136.jpg
  • Kapag di-makatulog dahil sa matinding tuyong ubo, uminom ng sirup na may codeine o kaya'y pormula ng chloral hydrate. Ang aspirina na may kasamang codeine (o kahit aspirina lamang) ay makatutulong din. Kapag humahagok o maraming plema, huwag gumamit ng codeine.
  • Kapag ang ubo'y may hagok at hingal (pangangapos at maingay na paghinga).
  • Alamin kung ano ang dahilan ng pag-ubo at gamutin ito. Kapag tumagal ang ubo o may dugo, nana o mabahong plema, o kung nangangayayat o patuloy na nangangapos ang paghinga, humanap ng health worker.
  • Kapag may anumang uri ng ubo, huwag manigarilyo. Sinisira nito ang baga.


Paalala: Para maiwasan ang ubo, huwag manigarilyo. Para magamot ang ubo, gamutin ang sakit na sanhi nito at huwag manigarilyo. Para gumaan ang ubo at mapalambot ang plema, uminom ng maraming tubig at huwag manigarilyo.


Paano tinatanggal ang plema sa baga:

Graphics 137.jpg

Kapag ang isang tao na may masamang ubo ay mahina o matanda na at hindi nito kayang tanggalin ang plema o uhog na nasa loob ng dibdib, makabubuting uminom siya ng maraming tubig. Gawin din ang mga sumusunod:

  • Una, palanghapin siya ng singaw ng mainit na tubig para lumambot ang plema.
  • Pagkaraan, pahigain siya nang bahagya sa kama; ang kanyang ulo at dibdib ay nakabitin sa gilid ng kama. Marahang hagurin ang kanyang likod. Makatutulong ito sa pagpapalabas niya sa uhog at plema.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 27 Abril 2010).