Ugat na Varicose

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Ang mga varicose veins ay mga ugat na namamaga, napilipit at makirot kadalasan. Madalas itong makita sa mga binti ng matatanda at ng mga buntis o ng mga inang maraming anak.


Paggamot:

Hindi kailangan ng gamot para sa mga varicose veins. Pero makatutulong ang mga sumusunod:

  • Huwag tumayo o umupo nang matagal. Kung walang ibang paraan, subuking mahiga nang nakataas ang mga paa sa loob ng ilang minuto tuwing kalahating oras. Ganoon din ang gawin kapag natutulog (maglagay ng unan sa ilalim ng mga paa).
  • Gumamit ng malambot na medyas o benda para mapanatiling nasa lugar ang mga ugat. Huwag kalilimutang tanggalin ito bago matulog.
  • Ang pangangalaga ng mga ugat sa ganitong paraan ay makatutulong upang maiwasan ang paulit-ulit na sugat o varicose ulcer sa may bukongbukong.


Sanggunian

  • David Werner. Kung Walang Doktor sa Inyong Lugar. Philippine Charity Sweepstakes Office, 1979. (Hinango noong 27 Abril 2010).

Kategorya:Kalusugan