Ulasimang bato

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Error creating thumbnail: convert: unable to write blob `/tmp/magick-YRvkWxv7': @ error/blob.c/ImageToFile/1625.
convert: no decode delegate for this image format `' @ error/constitute.c/ReadImage/532.
convert: missing an image filename `/webroot/health.wikipilipinas.org/images/temp/transform_6b8a935316ad-1.jpg' @ error/convert.c/ConvertImageCommand/3011.

Ang pansit-pansitan o ulasimang bato ay isang halamang gamot na kabilang sa pamilya ng Piperaceae. Kilala rin ito sa tawag na olasiman-ihalas at tangon-tangon sa Pilipinas at peperomia sa wikang Ingles. Kadalasan itong ginagamit na pampababa ng uric acid sa dugo.

Contents

Anyo

Ang ulasimang-bato ay isang damo na hugis puso at mayroong makatas na tangkay na may maliliit na bulaklak sa spike. Ito ay namumunga ng maliit na prutas kung saan ang binhi nito ay bumabagsak sa lupa at kusang dumadami. Ito ay may taas na isa hanggang isa’t-kalahating talampakan.

Ang ulasimang-bato ay tumutubo sa bahaging makulimlim gaya ng mga hardin at bakuran. Matatagpuan din ito sa mga lugar na mamasa-masa tulad ng mga sulok ng pader at bubungan.

Paraan ng paggamit

  • Para sa sakit na kulani, tagihawat, at pigsa: Pumukpok ng dahon o tangkay ng ulasimang bato at gumawa ng panapal saka ilagay sa apektadong bahagi. Gayundin, ang sabaw nito ay maaaring gamitin na pang-banlaw upang gamutin ang iba pang mga sakit sa balat.
  • Para sa sakit sa buto at gota (gout):
    • Hugasan ang dahon nang maigi. Kasunod nito’y maghanda ng isa’t-kalahating tasa ng dahon at pagkatapos ay hatiin ito sa tatlo. Kainin ng tatlong beses sa isang araw na parang ensalada.
    • Hugasan ng mabuti ang dahon ng ulasimang bato at pakuluan ito sa dalawang punong baso ng tubig sa mahinang apoy. Palamigin at salain. Uminom ng tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain.
  • Para sa sakit ng ulo: Kumuha ng ilang dahon ng ulasimangbato at painitan ito gamit ang mainit na tubig. Pagkatapos ay kusutin at saka ilapat sa noo.
  • Ang sabaw ng dahon at tangkay ng ulasimang-bato ay mabuti para sa mga sakit gaya ng sakit sa bato at sakit sa tiyan.

Mga nilalamang pang-nutrisyon

Ang 100 gramo ng nakakaing bahagi ng ulasimang-bato ay naglalaman ng:

Paalala

Tulad ng ibang mga halamang gamot, ang pag-inom ng ulasimang bato kasabay ang ibang gamot ay hindi pinapayagan. Kumunsulta sa isang propesyonal na manggagamot na may kaalaman sa mga erbal na gamot bago magpatuloy sa gamutan.

Sanggunian