Wastong Pagkain

From Wikihealth
Jump to: navigation, search

Contents

Ang Problema

Ang pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain ay karaniwang mahirap para sa isang batang mag-aaral. Ilan sa mga kadahilanan ay:

  • Hindi pagkain ng almusal dahil sa pagmamadali sa pagpasok sa eskwelahan.
  • Kawalan ng gana sa pagkain dahil sa—
    • dami ng gawain at paglalaro sa eskwelahan
    • pagkawili sa tsitsirya, fries, chocolates, candies, softdrinks, at iba pang matatamis
    • pagsakit ng mga sirang ngipin


Masasamang Dulot

Ang pagkain ng bata ng maling uri at dami ng pagkain (mas konti o mas marami kaysa sa pangangailangan ng kanyang katawan) at maaaring magresulta sa alinman sa mga sumusunod na uri ng malnutrisyon:

  • Kakulangan sa timbang.
  • Labis na Pagbigat ng Timbang na magdudulot ng panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, dyabetes at iba pa.
  • Kakulangan sa Micronutrient tulad ng:
    • Vitamin Deficiency (VAD) na nagdudulot ng mahinang resistensya laban sa impeksyon, paglabo ng mata at posibleng pagkabulag ng bata.
    • Iron Deficiency Anemia (IDA) na nagdudulot ng pamumutla, panghihina, mabagal na paglaki, at kawalan ng konsentrasyon sa aralin sa eskwelahan.
    • Iodine Deficiency Disorder (IDD) na nagdudulot ng goiter o bosyo sa leeg, pagkabansot, at pagiging mapurol ng pag-iisip.


Mga Dapat Gawin

Graphics 540.jpg
  • Maagang patulugin at gisingin ang bata para makakain ng almusal.
  • Bigyan ng masustansyang merienda agaya ng nilagang saba o kamote, gatas o katas ng prutas.
  • Samahan ng gulay ang baong pagkain sa pananghalian gaya ng kamatis, pipino, letsugas, o karot.
  • Magsama rin ng mga pagkaing nakalilinis ng ngipin tulad ng bayabas, manibalang na papaya, at tubo.
  • Painumin ng gatas araw-araw para sa mabilis na paglaki at malusog na mga buto at ngipin.
  • Pakainin ng iba't ibang uri ng pagkain araw-araw. Gamitin ang pyramid food guide bilang gabay sa pagkain.



Sanggunian

  • Healthy Diet Araw-Araw. Department of Health of the Philippines. (Hinango noong 25 Mayo 2010).