WikiHealth

From Wikihealth
Jump to: navigation, search
Your Portal to Health and Wellness
34,145 articles and counting...


Tampok na Artikulo

edit


The National Breastfeeding Awareness Month is an annual celebration held every month of August to protect, promote and support breastfeeding in the Philippines as the normal, natural, and preferred method of feeding infants and young children.

A report estimates 16,000 Filipino babies die every year due to harmful effects of bottle-feeding.



Balitang Pangkalusugan

edit

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik mula sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) at sa tulong ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), natuklasang posibleng maging mulaan ng antioxidants ang Niog-niogan (Ficus pseudopalma).

Ang nasabing halaman na endemiko sa Luzon ay tradisyonal na ginagamit upang gamutin ang iba't ibang sakit tulad na lamang ng pagkakaroon ng kidney stones.

Base sa kanilang pag-aaral, natuklasan ang compound na lupeol na kilala sa antioxidant properties nito. Kilala ang mga antioxidants sa pagpigil o pag-hadlang sa mga sakit tulad ng kanser, diabetes, at ilang cardiovascular diseases. Inirekomenda nilang sumailalim pa sa karagdagang pag-aaral.




Payong Pangkalusugan

edit

"Ligtas po ba ang pag-inom ng slimming herbal tea upang maiwasan ang constipation? -Kristie



Hindi inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng laxative hebal supplements sapagkat napapababa nito ang potassium levels sa katawan. Ang mababang antas ng potassium ay maaaring magdulot ng pamamanhid ng binti, panghihina, o kaya nama'y pagkaparalisa. Maaari ring humantong ito sa kamatayan kung hindi maagapan. Dagdag pa nito, nagdudulot ang paggamit ng laxatives ng rebound constipation at laxative dependence. Maaaring bumalik ang constipation sa oras na itinigil mo ang pag-inom nito.

Maaaring magdulot ng hemorrhoids ang pagkakaroon ng constipation, na maaaring humantong sa pagdurugo. Nakasasama rin ito sa mga taong may sakit sa puso sapagkat maaari itong magdulot ng heart attack. Bukod pa rito, maaari rin itong maging sanhi ng kanser.


may karugtong...

Wikihealth Portals

Tampok na Video

edit





  Panoorin at pakinggan ang payo ni Dr. Willie Ong kung paano makatutulog nang mahimbing.

Mga Bago sa Kalusugan

edit

Sa panahon ngayon na kung kailan ang unhealthy life choices at poor diet ay nagdudulot ng obesity o labis na katabaan at iba pang sakit, unti-unting nagiging kritikal na health concern na ang diabetes. Ang mga may sakit nito ay kailangang dumepende sa gamot upang mapamahalaan ang sintomas na dulot nito. Hindi rin biro ang presyo ng gamot o insulin kung kaya't ang ilan, lalo pa ang mga walang sapat na kita, ang nagkakaroon ng kumplikasyon kapag hindi nakabili ng gamot.

Isang pag-aaral ang isinagawa ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Department of Internal Medicine and Intensive Care Unit ng Ospital ng Maynila (OMMC) kung saan ipinakita ang potensyal ng yerba bilang supplement sa pag-mantene ng diabetes. Natuklasan nilang ang paggamit ng Moringa olifeira (malunggay) ay nakapagpapababa at napangangasiwaan ang blood sugar levels.

may karugtong...


Ito ang Totoo

edit

Mga dapat mong malaman tungkol sa Cervical Cancer:

Itinuturing na ikalawa sa nangungunang sanhi ng cancer deaths sa mga kababaihang Pinoy ang cervical cancer. Sa kada araw, pitong Pinay ang namamatay dahil dito. Dalawa sa tatlong Pinay na nasuring may sakit na ito ang maaaring mamatay sa loob ng limang taon. Narito ang ilan sa mga dapat mong malaman tungkol sa Cervical cancer:


may karugtong...